"OMG ang laki ng eyebags mo Leren!" yan agad ang bungad sa akin ni Alessa nang makarating ako sa site kung saan ang photoshoot ng Eleven
Medyo late na ako at inaayusan na silang lahat.
"Alam mo namang pipicturan kayo ngayon tapos nagpuyat ka. Bakit ka ba kasi nagpuyat?" tuloy ang sermon sa akin ni Alessa kahit habang minimake-upan na ako ng make-up artist na assigned sa akin
"You can do magic naman diba?" I asked him para matahimik na si Alessa
Tumango siya at tumawa pa
"Of course, girl! Easy lang yan, eyebags lang sus!" napangiti ako kasi halatang alam niya yung ginagawa niya
Tumahimik na rin si Alessa, narealize siguro na wala namang mapapala yung sermon niya.
Kung hindi naman kasi dahil kay Aiden ay hindi ako mapupuyat.
Ang gagong yun!
May gusto talaga sa akin at message pa nang message kagabi. Binlock ko tuloy para magtigil
Nag-enjoy ako sa photoshoot kaya medyo nakalimutan ko ang sakit ng ulo ko dahil kay Aiden.
Kahit hindi pa rin kami nag-uusap usap masyadong eleven dahil parang ayaw ata talaga nilang pakipagkaibigan ay ang gaganda pa rin ng mga kuha na pictures.
Aakalain mo talaga na ang close close namin
"Bet ko 'to" turo ni Queenie sa isang picture namin.
Isa siya sa kanina ko pa nakakakwentuhan kasi ang palabiro niya tapos ang witty witty.
Kilala ko siya kasi siya yung editor in chief ng CIU press tapos lagi ring nananalo sa mga journalism competition. I think nakita ko na nga ata siya once na naging guest reporter sa isang news. Di ko lang masyadong maalala.
"Lunch na kayo guys!" announce ni Dean.
Bumalik ako sa pwesto ko at kumunot agad ang noo ko nang may nakitang paper bag dun.
Tumingin ako sa paligid para tignan kung sino ang naglagay nun dun.
Para sa akin ba yun o hindi?
Pero nakalagay sa table ko eh.
Nilapitan ko yung at chineck ang loob. Lunch box yun at sa ibabaw ay may note.
Eat your lunch and unblock my number. - Aiden
Uminit agad ang ulo ko nang malamang kay Aiden galing yun.
At ang kapal magdemand na iunblock ko siya ha!
"Lunch mo, Leren" ngumiti ako kay Dean nang nilagay niya sa table ang lunch ko.
Paano yan? Dalawa na ang lunch ko?
Naalala kong nandito nga pala si Alessa kaya tumingin ako sa paligid para hanapin siya.
Ibibigay ko nalang sa kanya 'tong bigay ni Aiden.
Hindi rin naman ako nahirapang hanapin pa siya kasi maya-maya ay nasa harap ko na.
"Kain na tayong lunch! Ang galing niyo!" bago pa ako makasalita at maabot sa kanya ang lunch box ay binuksan niya na yung bigay ni Dean at nagsimulang kainin yun
Grabe, gutom na gutom ba siya?
Akin dapat yun eh
Tinignan ko ang lunch box na hawak ko.
"Hindi ka pa kakain?" she stopped eating to ask me that
"You're eating my lunch!" I scowled at her

BINABASA MO ANG
Closing the Books
RomantikaAspiration Series #1 Chasing those who's not interested in her and ignoring those who liked her is one of Leren's past time. As an aspiring CPA, achieving her goal is her number one priority, but this does not stop her from having fun by chasing th...