C25

64 7 0
                                    


I woke up when I heard voices near me. My eyes flinched but I kept them closed while I listened to the voices.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako kakahintay kay Aiden at hindi pa ako masyadong naaalimpungatan kaya pipikit muna ako.

"Maupo ka muna jan. Nakatulog pala dito si Leren. Teka at gigisingin ko muna" narinig kong sabi ni manang, siya yung mayordoma nila ate. Siya raw yung nag-alaga dati kay Kuya Dylan, yung asawa ni ate, kaya sinama siya nito nung bumukod sila.

Kumunot ang noo ko nang marinig ang sumunod na boses.

"Hindi na po. Hintayin ko nalang po siyang magising" Aiden said

So, kakarating niya lang? Anong oras na ba?

Ilang oras ba akong nakatulog?

"Eh ikaw ang bahala. Maghahanda nalang muna ako ng meryenda mo at iyong mga kasama mo ay natutulog pa sa mga kwarto nila"

"Salamat po" sagot ni Aiden

Narinig ko nang naupo siya at nang umalis ang mayordoma.

Bakit ba kasi nagpapanggap pa akong tulog? Abang na abang ako sa kanya kanina tapos ngayong nandito na siya ayoko naman harapin.

Nagdesisyon akong 'magising' na.

Gumalaw ako ng kaunti at pakunwaring kinusot ang mata ko bago iyon minulat. Tumingin muna ako sa paligid at nagpanggap pang nagulat nang makita siyang nakaupo sa one seater sofa na nasa gilid ng hinihigaan ko.

Umawang ang labi ko at dahan-dahang bumangon habang siya ay pinapanood lang ako.

"Nandito ka na pala" sabi ko gamit ang bedroom voice ko, kasi nga diba kagigising ko lang. Maakit ka Aiden!

Tumango lang siya pero hindi inalis ang tingin sa akin. Na conscious tuloy ako bigla at agad na sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri ko at pasimpleng kinapa ang gilid ng labi ko para icheck kung may laway ba.

Naisip kong mabuti nalang at nagising ako kasi wala pa naman akong poise matulog minsan. Baka maturn-off siya.

"Ah! Kumain ka na ba?Ihahanda ko na yung lunch mo" Agad akong tumayo at pupunta na sana sa kusina para ayusin ang pagkain niya na niluto ko para sa kanya pero napahinto ako sa sinabi niya

"I already ate"

Napalingon ako sa kanya. Nakaupo pa rin siya at nakatingin sa akin.

Nanlumo ako pero nakabawi rin naman agad at ngumiti sa kanya

"Okay lang. Dinner nalang mamaya" bawi ko. Basta dapat matikman niya yung luto ko kasi ilang taon ko rin kayang inaral yun

"I just want to rest. Where's my room?" Tumayo siya at nilibot ang paningin niya na parang makikita niya ang kwarto niya kapag ginawa niya yun

"Rest? Magmeryenda ka muna kasi diba naghanda si manang" concern na sabi ko kasi masasayang naman yung effort ni manang tapos matutulog lang siya

Kumunot ang noo niya at nilingon ako. His lips curled upwards for a split second that I thought that maybe I'm just imagining it

Bakit naman kasi siya ngingiti?

"I thought you were asleep?" He asked seriously

My eyes widen and look everywhere but him while thinking of what to say. It's like I was caught in a crime!

Nangpanggap lang naman akong tulog bakit kung makatanong siya akala mo ninakawan ko na siya

"Tulog nga pero yung subconscious ko gising. Halika nga ihahatid na kita sa kwarto" pag-iiba ko ng topic.

Closing the BooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon