He smiled and continued wiping my tears away
"Wag ka nang umiyak" he said softly while still smiling
I pursed my lips at sinubukang tigilan ang pag-iyak. Bakit ako iiyak kung dapat nga ay magsaya ako.
It took me just a few seconds to composed myself bago ako ngumiti sa kanya
"Akala ko ba hindi ka umiiyak" pang-aasar niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin nang mapansin kong siya man ay may tuyong luha pa sa pisngi niya
Napangisi nalang ako at aasarin na dapat siya dun pero pinigilan ko ang sarili ko
"Sa'yo lang ako iiyak" sabi ko sa kanya bago siya niyakap ng mahigpit
"Mahal kita, Aiden" I felt him tightened his embrace
"Hindi mo na ako ulit itutulak?" tanong niya sa akin habang nakayakap pa rin.
Kakalas na sana ako para sagutin siya pero hindi niya ako hinayaan kaya sumagot nalang ako nang nasa ganun kaming posisyon "Never again"
"Then mahal din kita, Leren" halos mapahikbi ako sa sobrang saya nang marinig ang sinabi niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya. Wala akong pakialam kahit hindi na ako makahinga. Ilang taon ko rin siyang hindi nahagkan ng ganito.
Ayoko pa sanang bumitaw kung hindi lang tumunog ang oven senyales na okay na ang baked mac
"Saglit lang" sabi ko sa kanya bago pumunta dun at kinuha yun
"Saan ka natuto ng mga yan?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa nilalagay kong baked mac sa counter top. Katabi nun ay yung niluto ko kaninang carbonara
Ngumiti ako sa kanya habang inaayos ang mga yun sa lalagyanan.
"Self-taught. Learning how to make your favorite dishes somewhat makes me miss you less, kahit temporary lang" he looked a little taken aback by what I said which just made me smirk
Hindi kasi ako madeclare ng nararamdaman ko sa kanya dati kaya ngayon siguro ay naninibago siya lalo na at kakaayos lang namin pero ganito na agad ako. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko kasi ilang taon akong nangulila sa kanya at ngayon ko yun ipaparamdam sa kanya lahat, hanggang sa magsawa siya.
Hindi niya sinagot yun at tinulungan nalang ako sa ginagawa ko. Nang natapos kami dun ay nagbihis lang ako ulit at tumungo na kami sa site.
Alam kong hindi pa kami totally balik sa dati at may nagbago na sa pagitan namin pero mas gugustuhin kong pagbabago yun sa magandang paraan kaya naman nagtanong ako nang nagtanong sa kanya habang nasa byahe kami
"Nakita ko ang mga skyscrapers sa ig mo. Lahat ba yun designs mo?" tanong ko sa kanya.
"Oo, yung iba dun ay projects ko sa spain at yung iba naman ay dito na" he looked at me to smile and reached for my hand
"Pero gusto ko talagang dito magpractice kaya after sana ng apprenticeship ko dun ay babalik na ako dito kaso nahold back dahil may mga kumuha agad sa akin dun at hindi ko naman mahindian"
"Mabuti nga at bumalik ka na. Kasi next year sana ay ako na mismo ang pupunta sa'yo dun" diretsa kong sabi sa kanya na nagpalingon sa kanya sa akin habang nakataas ang kilay at nakangisi
"Hmm dapat pala hindi muna ako bumalik" inagaw ko pabalik ang kamay ko at hinampas siya sa braso dahil sa sinabi niya na nagpatawa sa kanya
Manghang tinignan ko siyang tumatawa at hindi ko mapigilang isipin kung gaano ako kaswerte mula noon hanggang ngayon dahil sa kanya
Hindi lahat ng mga nasasaktan willing magbigay ng chance sa mga nanakit sa kanila pero si Aiden ay kaya niyang gawin yun to have another chance to be with me, for us to be happy with each other. Maybe in the future we will fight, we will have misunderstandings but I will make sure that we will always work things out, kasi what we have—not a lot of people are lucky enough to experience this.

BINABASA MO ANG
Closing the Books
Roman d'amourAspiration Series #1 Chasing those who's not interested in her and ignoring those who liked her is one of Leren's past time. As an aspiring CPA, achieving her goal is her number one priority, but this does not stop her from having fun by chasing th...