C29

50 7 0
                                    


Lumabas ako ng office hindi para kumaha ng refreshment hindi tulad ng sinabi ko sa kanila.

Dumiretso ako sa cubicle ni Jether na nakatingin na agad sa akin pagkalabas na pagkalabas ko palang

"Give me my car keys" walang emosyong sabi ko sa kanya

"Huh?" alanganin niyang tanong at lumingon pa sa pinto ng office ni Aiden na parang naghihintay na may lalabas dun

"Keys" I repeated with emphasis

Halatang ayaw niyang ibigay sa akin pero siguro nakita niya kung gaano ako kaseryoso at kung hindi niya ibibigay sa akin yun ay kukunin ko sa kanya o maglalakad nalang ako paalis, kaya sa huli ay nilapag niya yun sa palad ko

"Aalis ka?Tawagin ko muna si--" hindi niya na natapos ang sinabi niya dahil nagmamadali akong naglakad papunta sa elevator at pinindot yun pababa sa parking

Gusto ko lang makaalis dun

Hindi ko alam pero parang biglang namanhid ako. Simula pa ng makita ko at marealize kung sino si Dianne ay unti unti nang kinakain ng insecurity ang buong sistema ko at mas dumagdag yun ng marinig kong she and Aiden dated

I know she never meant anything and was just purely talking about it without hidden motives but just made it so much worst.

Hindi sana ako ganito kung tingin ko ay inaagaw niya lang si Aiden pero hindi eh.

Ang bait niya kasi tapos ang perfect niya pa kaya hindi ko magawang magalit sa kanya.

Sa totoo lang ay mas nagtataka pa nga ako kung bakit hindi sila nagkatuluyan ni Aiden na kung tutuusin ay parang mas bagay pa sila.

I don't like what I'm thinking but I'm really just questioning my self-worth right now and I would like to sort it all out first so I want to leave before it gets any worst

Dumiretso ako sa kotse ko at mabilis na nagdrive papunta sa condo. Nang makarating ako dun ay nagkulong agad ako sa kwarto ko at tumitig lang sa kisame

One thing's just running through my head that entire time

Do I really deserve Aiden?

Compared to Dianne, it's like I'm nothing.

What if he really fell in love with Dianne and he just wanted to get back at me for hurting him in the past?

Kasi wala akong makitang rason na hindi niya magugustuhan ang ganun kaperpektong babae.

It would make sense. Sinabi niya sa akin kung gaano siya naapektuhan sa nangyari sa amin dati, kung gaano siya nasaktan dun at sa totoo lang- maiintindihan ko siya kung gusto niyang gumanti

But I also know that revenge is far from what Aiden would do.

He would never do that even if I did something so horrible he could never forgive me for it.

My phone rung. Kinuha ko yun but quickly turned it off when I saw Aiden's name on the screen.

I just don't want to talk to him for now

I want to sort out my insecurities first. I don't know if I can face him with all these negative thoughts running inside my head

Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa ganung pwesto. Nagising nalang ako sa sunod sunod na tunog ng doorbell

Kinapa ko ang phone sa tabi ko at tinignan ang oras. Nanlaki ang mata ko nang makitang alas otso na ng gabi. Halos limang oras din akong tulog

Kinamot ko ang mata ko at dahan-dahang bumangon. Tamad akong lumabas ng kwarto at naglakad papunta sa pinto

Closing the BooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon