C27

55 8 0
                                    


Pagkapark palang niya ng kotse ay excited na akong bumaba, ni hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto. Well, hindi naman na rin akong nag-expect na gagawin niya yun pero atleast hindi na ako madidisappoint kasi inunahan ko na

"Aiden, bilis!" Tawag ko sa kanya nang nasa harap na ako ng elevator at hinihintay na ang pagbaba nun sa parking habang siya ay naglalakad pa rin na akala mo sa broadway rumarampa

I took that time to look at him properly again. He really did changed. Hindi lang sa pananamit niya, he looked more mature and more lean. Kung gwapo siya dati, mas gumwapo siya ngayon. Bakit ba nagpakipot ako sa kanya dati? Edi sana atleast matatawag kong mag-ex kami ngayon at hindi yung sinasabi ni Ate na mag-almost

"What are you still standing there for?" Sa sobrang pagkatulala ko sa kanya. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya at nauna nang pumasok sa elevator

"Wala" nakangiti kong sagot at pumasok na rin

Dumiretso kami sa supermarket at kumuha agad ako ng cart at tinulak yun pero kinuha niya yun sa akin at sinabi siya na daw kaya hinayaan ko siya

Excited akong pumunta sa pwesto ng pasta at kinuha ang lahat ng ingredients na kailangan ko

"Ang dami naman ata niyan" saway niya sa akin kasi ang dami kong nilalagay sa cart

"Okay lang yan kasi magdadala rin ako sa site. For sure gutom na sila dun" naisip ko kasing damihan na para makakain rin ang mga construction workers dun kasi nakakapagod kaya ng trabaho nila

Nang matapos ako sa pagkuha ng mga kailangan kong ingredients ay dumiretso ako sa pwesto ng mga ice cream

Tahimik na nakasunod lang sa akin si Aiden habang tulak ang cart. Napahinga ako nang malalim dahil para naman kaming mag-asawa na nagsshopping para sa bahay namin. Kinilig tuloy ako sa bigla kong naisip.

"May flavor ka bang gusto?" Tanong ko sa kanya habang pumipili ng flavor

Napangiti ako nang makita ang vanilla flavor na hinahanap ko at kinuha agad yun bago nilagay sa cart.

Tinignan ko si Aiden para hintayin ang sagot niya pero nakatingin sa dun sa tub ng ice cream na nilagay ko sa cart

Dun ko naalalang yun din nga pala ang flavor na gusto niya. Ngumisi ako at kumuha ng isa pang tub nun

Siya nga pala ang may favorite ng vanilla at nagustuhan ko lang yun dahil sa kanya.

Thinking about it, I liked a lot of things because of him. Ganun pala talaga kapag may gusto kang tao 'no? Lahat ng gusto niya parang unti unti mo ring nagugustuhan. Yun din ata ang dahilan kung bakit mahirap magmove on, kasi marami kang bagay na maaassociate sa tao na yun.

"May gusto ka pa bang bilhin?" Tanong ko sa kanya nang mailagay ang ice cream sa cart

"Hmm" tumingin siya sa paligid at na caught off guard pa ako nang makita siyang ngumiti

Bago pa ako makatanong ay tinulak niya na ang cart at nauna nang naglakad. Napakamot nalang ako sa ulo ko bago sumunod sa kanya.

Tumawa ako nang malakas nang makita kung ano ang gusto niyang bilihin "Seryoso ka?" Natatawa ko pang tanong

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong na parang hindi niya alam kung bakit tawang tawa ako

Chocolate chip lang naman yung binili niya kaya technically wala talagang nakakatawa pero natawa lang ako kasi sobrang seryoso niya kanina habang naghahanap tapos parang sabik na sabik kaya akala ko naman kung ano na

"Wala wala" I answered while waving my hands to prove my point but a smile is still plastered on my face

"Magbayad na nga tayo" masungit na sabi niya at nauna nang naglakad sa counter

Closing the BooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon