C5

72 10 0
                                    


Hindi ko alam kung paano ako nakauwi

Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakatayo pagkatapos kong matapilok dahil sa gulat sa sinabi ni Aiden

"Okay lang, it's true anyway"

Napasipa ako at napahampas sa sobrang frustration habang nakahiga sa kama ko nang maalala ko ang sinabi niya kanina

Anong it's true?

Na may gusto siya sa akin?

Parang gago naman eh!

Magkaibigan kaya kami.

Ano raw yun?

I closed my eyes so hard to think of something.

What should I do?

"Leren,baka naman nagfefeeling ka lang!" sita ko sa sarili ko

Baka naman like as a friend lang diba?

Napaupo ako galing sa pagkakahiga dahil dun

Oo nga naman! Possibility yun. Wala naman siyang sinabi kung anong like

"Ugh! Who am I kidding?" sumalpak ulit ako ng higa sa kama at tinakpan ng braso ko ang mata ko

I'll just act like nothing happened.

Yeah, that's what I should do

So the following days, I tried so hard to avoid Aiden. I just don't know how to face him. How do I act like nothing happened? It's easier to just avoid him

Usually, when a guy tells me that he likes me I will just say straight to his face that we're just friends.

But this is different.

I don't even know why it's different!

Maybe because we're friends?

Yeah, that's it

"Sino bang sinisilip mo jan?" tanong ni Alessa habang tumatago ako sa gilid ng isa sa mga food kiosk.

Chinicheck ko muna ang paligid. Dito ko kasi madalas nakakasalubong si Aiden kaya kumbaga ito yung danger zone.

"Okay, cleared" lumabas na ako sa pinagtataguan ko at mabilis na naglakad

Sumunod naman si Alessa sa akin na nakasimangot na ngayon

"Alam mo ang weird mo, these past few days para kang laging may iniiwasan--wait. Don't tell me....?" hinawakan niya ang balikat ko para pigilan ako sa paglalakad at tinignan ako gamit ang naniningkit na mga mata

Of course mahahalata niya!

"Kasalanan mo 'to!" sisi ko sa kanya. I shrugged away from her hold and continued walking faster.

I can't risk Aiden seeing me there.

I just relaxed when I got to the parking lot. Nakasunod pa rin sa akin ngayon si Alessa na natatawa na

"So si Aiden nga ang iniiwasan mo?" tumawa siya pa siya nang pagkalakas lakas pagkatapos niyang sinabi yun kaya hinampas ko talaga siya

Tuwang-tuwa pa siya samantalang ako ilang araw nang nahihirapan magtago!

Ang hirap hirap pala kapag may iniiwasan. Paano nagagawa ng mga kriminal magtago nang napakatagal sa pulis?

"Tumigil ka nga Alessa. This is all your fault"

Ang dami naman kasing pwedeng tanungin,yun pa. Ako tuloy ang nahassle.

I opened my car door and was about to go in when she ask me something that I've also been asking myself these days

Closing the BooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon