Aiden and I continued talking every night after that, sinasagot ko ang mga tawag niya kasi wala rin naman akong makausap since lahat ng kaibigan ko ay nasa kani-kanilang bakasyon.
Tapos na kasi ang sem at wala kaming midyear classes kaya nagdecide akong umuwi muna sa bahay na hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba o ano kasi halos hindi ko rin nakikita ang parents ko pati si Ate, busy kasi sila sa business.
"Do you want to go on a vacation?" so I was really happy when they asked me that while we were having dinner
We used to have vacation every year, just going to different places but it stopped when the business grew and required more attention
"Sana, kung pwede kayo" sagot ko sa kanila. Okay lang naman sa akin kung hindi, pwede ko naman yayain mga childhood friends ko dito pero syempre mas okay pa rin kung sila ang kasama ko
"Nagleave na kami para dito" sabi ni Ate kaya napalaki ang ngiti ko
"Talaga?Thank you!" Tumayo ako at lumapit sa kanila isa-isa para yakapin sila sa sobrang tuwa. Minsan nalang kasi talaga kami makabakasyon simula nang mabusy sila kaya sobrang saya ko lang talaga
Natawa naman sila at tinapik nalang din ang braso ko
The whole dinner, we planned our vacation and I'm getting really excited
When I went back to my room. Kinuha ko ang phone ko para mag tweet ng excitement ko, pero nakita kong may message si Aiden
Aiden: Hey, what are you doing?
Hindi muna ako nagreply sa kanya at nagbrowse muna sa twitter ko pati sa igstories ng mga following ko.
Marami rin sa kanila ang nagbakasyon sa iba't-ibang lugar samantalang yung iba naman ay may mid-year classes.
Katulad nalang ni Aiden, may mid-year sila para maging 4 years lang ang program nila. Sa amin naman ay meron din nung 1st and 2nd year kami.
Masyado akong nawili sa pagsosocial-media at pagreply sa messages ko sa insta at twitter na halos nalimutan ko nang magreply sa message ni Aiden kung hindi lang siya nagmessage ulit
Aiden: Guess you're busy
I bit my lip to stop myself from smiling. Naiimagine ko na yung mukha niya habang tinatype yan.
Imbis tuloy na magreply ay tinawagan ko nalang siya.
"Hello" isang ring palang ay sinagot niya na agad ang tawag. Naisip ko tuloy na naghihintay talaga siya
"Hi" napahampas ako sa sarili ko pagkatapos kong sabihin yan dahil sa boses ko.
Bakit naman napakapabebe, Leren?
"Busy ka ba? Okay lang naman kahit mamaya na" napangiti na ako nang tuluyan dahil sa sinabi niya
One thing about Aiden, he's a baby. Kahit mukhang suplado at masungit, he's really soft tapos madaling magtampo, tulad nalang ngayon.
"Ito naman, may ish-share pala ako" humiga ako sa kama at niyakap ang unan ko
"Hmm, what is it?"
"Magbabakasyon kami!" excited kong balita sa kanya, he chuckled on the other line, probably because of my excitement
"You seem excited. Where do you plan to go?"
"Gusto ko sana sa Japan o Paris pero sabi ni Ate gusto niya raw sa New York kasi gusto niya itry mga clubs and bars dun kaya pumayag na rin ako"
It took him a while before he spoke again. Akala ko nga patay na ang tawag at titignan na sana nang magsalita siya
"Bars and clubs huh?"
![](https://img.wattpad.com/cover/221017889-288-k945885.jpg)
BINABASA MO ANG
Closing the Books
RomanceAspiration Series #1 Chasing those who's not interested in her and ignoring those who liked her is one of Leren's past time. As an aspiring CPA, achieving her goal is her number one priority, but this does not stop her from having fun by chasing th...