"Someone..."
Yan lang yung sinagot niya sa tanong ko at nung kinulit ko siya kung sino ay ngumingisi lang siya pero hindi na nagsasalita.
Sayang, ilalakad ko pa naman siya kung gusto niya. Medyo curious ako kung paano siya magkagirlfriend eh.
Tuwing tuloy nagkikita kami ay yun ang tinatanong ko sa kanya dahil sobrang curious na curious ako. I mean, si Aiden na ang daming binasted? May iniisip na babae? Sinong di macucurious
Pero same ang ang ginagawa niya. Ngingisi tapos iiling.
Pa-mysterious pa ang loko.
Medyo madalas ang pagkikita namin after nun. Ang galing nga kasi kada saan ako nagpupunta, lagi ko siyang nakikita kaya tinatawag ko siya palapit para mabati at makausap.
Tulad nalang ngayon, naglalakad ako sa hallway nang nakita ko siyang naglalakad sa kabila kaya agad ko siyang tinawag
"Aiden!" tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin nang marinig ang tawag ko
Kumaway ako kaagad at sinenyasan siyang lumapit.
Umiling siya pero parang nakangiti naman. Hindi ko lang sure kung nakangiti ba talaga siya kasi nung nakalapit na siya sa akin ay nakakunot naman yung noo niya
"Why?" tanong niya
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, as usual dala niya nanaman yun t-square at canister niya. Unti nalang talaga at iisipin ko nang part yan ng katawan niya.
"Plates?" I asked while pointing at what he's carrying
He nodded and started walking again so I quickly followed him.
Tignan mo 'to! Parang nagmamadali nanaman.
Ang haba ng binti niya kaya kailangan kong bilisan ang paglalakad ko para makasabay sa kanya. Kahit naman kasi matangkad ako ay mas matangkad pa rin siya sa akin kaya double effort tuloy si ako.
"Anong oras ba klase mo?Ang bilis mo maglakad!" binagalan niya naman ang lakad niya kaya medyo nakahinga ako nang maluwag.
Eh bakit ko ba kasi siya sinasabayan!?
Friend ko kasi siya. Ganun talaga ako kapag nakakasalubong ko mga kaibigan ko
"Mamaya pa class ko, may 3 hours vacant pa. Ikaw?"
I scoffed in disbelief at what he said.
3 hours vacant pa pero kung makalakad akala mo malilate na siya!
"Why are you in a hurry then?"
"Who says I'm in a hurry?" he asked and then looked at me which made me roll my eyes
The ever sarcastic Aiden is here again
"Edi fine!" I snapped which made him chuckle. Natawa na rin tuloy ako kahit wala namang nakakatawa.
"What about you? What time's your next class?"
I looked at my watch before answering him
"In about...2 hours" ngumiti ako at binaba na ang kamay sa gilid ko
"You're going to the library?"
Umiling ako kaagad at mas lumapad ang pagngiti
"Sa building na namin" balak ko kasing bisitahin si Oliver. Hindi kasi nagrereply sa mga chat ko kaya pupuntahan ko na para hingiin ang number at para makausap na rin
Miss ko na kaya siya. Alam ko nasa room nila siya ngayon kasi tinanong ko sa kaklase niya na kaibigan ko rin.
The perks of having many friends.
BINABASA MO ANG
Closing the Books
RomanceAspiration Series #1 Chasing those who's not interested in her and ignoring those who liked her is one of Leren's past time. As an aspiring CPA, achieving her goal is her number one priority, but this does not stop her from having fun by chasing th...