C23

58 6 0
                                    

Nakaupo na sa sofa sa loob ng office ko si Aiden pagpasok ko. My office is not that big. Nasa harap ng pinto ang table kaya pagbukas ng pinto ay makikita yun agad samantalang ang two seater sofa naman ay nasa gilid ng pinto banda at yun ang mismong kaharap ng table. May coffee table sa harap ng sofa at may nilatag doon si Aiden na drawing, yun na siguro ang draft ng design niya sa bahay namin.

"I looked at the photos of your house that you sent on the email and these are the designed that I came up with" He said without looking at me

My brows furrowed. I walked towards him and sat beside him to look at the design. I nodded in admiration while looking at his drawings.

Impressive. No wonder my former blockmates wanted to hire him as their Architect.

Kaya naman pala hindi siya nagparamdam ng ilang araw dahil ang daming ginawang designs. Tinignan ko yun isa-isa nang paulit-ulit dahil maganda lahat at ang hirap pumili. Parang gusto kong ipatayo lahat kasi sayang naman kung hindi. Kung pwede lang sana

"If you want some changes you can tell me and then I'll just get back to you" he said professionally but it seems like I just understood the last words

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya at napangiti kasi parang iba ang dating sa akin. Talaga ba Aiden? Babalikan mo ako?

I chuckled mindlessly and continued looking at the designs

"What's funny?" he asked which made me look at him

Salubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Akala niya siguro siya ang pinagtatawanan ko

"Wala" iling ko habang nakangisi kaya mas sumama ang mukha niya. Alangan namang sabihin ko sa kanya at baka mas lalo siyang mukhang pagsakluban ng langit at lupa sa pikon sa akin

"Okay"

Mas lalo akong natawa sa sagot niya pero pinigilan ko kasi mukhang masama na talaga ang timpla niya. Kanina pa siya ganyan at baka mas masira ko pa ang araw niya.

"Can I have a softcopy of this o pwede ko bang kuhaan ng litrato para mapakita ko kay Ate at sa parents ko at makadecide din sila" tanong ko sa kanya kasi hindi talaga ako makapili. Tinignan ko ulit yun isa-isa pero para sa akin ay maganda talaga lahat. O baka hindi lang talaga ako marunong tumingin kaya naaappreciate ko lahat.

Hindi siya agad sumagot kaya tinignan ko ulit siya at naabutan ko siyang nakatingin lang rin sa akin

Bawal ba magpasend ng softcopy o kaya magpicture? Hindi ko kasi alam

"Okay lang naman kung--"

"I'll send you the soft copies" sagot niya bago ko pa matapos ang sasabihin ko sana

I smiled widely and nodded at him "Kailan pwedeng magsimula? So that I could file my leave to help facilitate the renovation" Tingin ko kasi ay kailangan ko magleave para dun kahit mga one week or two weeks kung suswertehin o baka ubusin ko na ang leave ko sa taong ito. Hindi naman ako madalas um-absent at hindi pa rin ako nakakaleave for this year kaya papayagan naman ako.

"I'll arrange everything as soon as you chose the design. I already prepared a floor plan for each, I'll have you check them too" tumango ako kahit wala naman akong maintindihan masyado dahil wala naman talaga akong alam dito. Mabuti na nga lang at siya ang Architect kaya tiwala ako.

"Ikaw na ang bahala. Nga pala, your team can stay at my sister's house while the construction is ongoing" I offered kahit baka matagal pa naman yun. I was just concern when I thought about where they're going to stay there. Masyadong costly kapag hotel at tingin ko dapat lang naman na sagot na namin yun

Closing the BooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon