C24

71 7 1
                                    


Busy ako sa pagchecheck ng mga files na binigay sa akin kanina nang tumawag si Ate para sabihing sinend niya na ang design na napili niya.

Tinigil ko muna ang ginagawa ko para icheck ang email ko. I immediately saw the email she's referring to and clicked on it.

"Nice" I said when I saw what she chose. Nakalagay sa email na yun din daw ang gusto ng parents namin.

Okay naman sa akin kasi isa rin yun sa mga pinakanagustuhan ko. Lahat naman nagustuhan ko talaga— pati nga yung architect gusto ko.

Nakita ko sa mga picture yung kinalabasan ng mga designs ni Aiden at naiimagine ko palang na ito ang magiging itsura ng bahay namin pagkatapos ay naeexcite na ako.

Nang sinend sa akin ni Ate ang design na napili nila, ipinasa ko agad yun kay Aiden at sinabi niya namang sila na muna ang bahala. Hindi ko na inisip pa ang ibang mga detalye at nagpabango muna sa firm para maapprove ang hinihingi kong leave.

I spent the following days finishing my workload and submitted my request for leave of absence, I also talked to Mrs. Caabay to personally ask her. Fortunately, it was approved— they gave me two weeks of leave and that's more than enough.

I already talked to Aiden and his team about the start of construction and its details. Nauna nga lang ako ng isang araw na pumunta sa Laguna para ayusin ang tutuluyan nila sa bahay nila Ate.

Malaki naman ang mansion nila at maraming guestroom kaya okay na rin.

"Dapat kasi dito ka nalang kumuha ng Architect at Engineer para di hassle" sabi ni Ate habang pinapanood akong magpalit ng bedsheet ng kama. Kadarating ko lang kanina at nagpahinga lang ako ng kaunti bago chineck isa-isa ang kwarto. Pwede namang ang maid nalang ang gumawa nito kaso ito kasi ang ipapagamit ko kay Aiden na kwarto kaya gusto ko ako ang mag-aayos.

Ganun ako kadedicated

I stopped what I'm doing and faced my sister. Her baby bump is already quite obvious and I was so excited when I saw it when I arrived to the point that I wished she would give birth already.

"Ate, this team is the best. Lalo na yung Architect, from Spain pa yun" pagmamalaki ko, kulang nalang sabihin kong future brother-in-law niya ang tinutukoy ko.

She rolled her eyes at me "You keep saying that but you still haven't told me who the Architect is. Parang bilib na bilib ka ata" nagcross arms siya habang nakasandal sa hamba ng pinto

Ngumiti lang ako at kumindat "You'll see"

I haven't told her about Aiden being the Architect yet but she knows him. Naikwento ko na sa kanya yun dati nung mga panahong kinikuwestyon ko yung desisyon ko.

Hinayaan na ako ni Ate sa ginagawa ko at bumaba na muna siya dahil nagugutom na raw siya. Ang lakas pala talaga kumain kapag buntis kasi pagdating ko dito ay ilang beses niya nang sinabi na nagugutom siya kahit kakakain niya lang naman.

Napailing nalang ako at kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Napangiti ako nang maalalang may numero na ako ni Aiden.

Ayaw niya pa sanang ibigay kaya sa assistant niya ko kinuha noong nagmeeting kami. Wala na rin siyang magagawa kasi nasa akin na kaya hinayaan niya nalang. As if naman mapipilit niya akong burain yun kung sabihin niya man na burain ko

I searched for his name on my contacts and called him

Umupo ako sa kama at hinimas-himas yun habang naririnig ang pagring ng phone.

Nakakailang ring na pero wala pang sagot hanggang sa matapos nalang ang tawag.

Sumimangot ako at tinignan ng masama ang cellphone ko "Ano dinideadma ba ako nito?" Gigil na sabi ko bago siya tinawagan ulit

Closing the BooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon