Chapter One

64.5K 2.4K 1.5K
                                    

Chapter One

"'Di ba nga ito ang iyong gusto? O ito'y lilisan na ako..."


BLUE

Love can really make you crazy, huh?

Tatawa tawa ka kahit gusto mo na lang umiyak. Magpapakabayani ka sa kanya kahit wala ka namang monumento sa Rizal Park. Paiikutin mo ang buong mundo mo sa kanya kahit alam mong wala naman talaga siyang pakielam sa'yo.

Siguro kung makakausap ako ng younger self ko, malamang ginulpi na ako nun.

Simple lang naman plano ko dati eh, makatapos sa kolehiyo, magtrabaho at kumita ng pera. Tinanggap ko na nga na hindi na ata ako magkaka girlfriend kahit kailan eh. Masaya na akong maging third wheel sa mga tropa ko o guluhin ang buhay ng bespren ko na wala ring jowa.

Pero nakilala ko siya.

Si Love.

Love can really make you crazy indeed.

When did I start liking her?

Nung time na hinatak niya ako sa bar against my will? After she showed me her vulnerable side? Or maybe that very first moment I talked to her?

I don't know. I can't remember. Ang alam ko lang, kada kasama ko siya, mas lalong lumalalim ang pagkagusto ko sa kanya.

I never knew I can love someone as intense as this. My heart literally hurts for wanting to hold her tight.

Pero ang masakit, kahit katabi ko siya, hindi ko magawa yun.

Because she's not mine.

Alam kong mataas ang pangarap ko sa buhay. Pero hindi ko inexpect na siya ang magiging pinaka mataas na pangarap ko. Sa sobrang taas, parang imposible nang abutin.

Nakakabadtrip.

Tanda ko pa kung paano siya pumasok sa buhay ko at ginulo lahat.

~*~

"So bakit bigla bigla kang nagyayaya kumain sa mcdo?" tanong ko kay Vanna habang palabas kami sa subdivision. Siya, nakasakay sa bike, nakasukbit sa likod niya ang gitara niya. Ako naman sa scooter.

"Wala, nag crave lang ako!" sabi naman niya. "Libre naman kita kaya wag ka nang umangal."

Nilingon ko si Vanna. Nakalugay ang mahaba niyang buhok at hinahangin ito patakip sa mukha niya kaya wala siyang ibang ginawa kundi ang hawiin ito.

"Wait nga lang," sabi ko at hinawakan ko ang handle ng bisikleta niya para pahintuin ito.

"Bakit?" taka naman niyang tanong.

"Maaksidente ka sa ginagawa mo, eh." Hinubad ko ang cap na suot ko at inabot ko sa kanya. "Isuot mo para hindi humaharang yung buhok mo."

Sinunod naman niya ako at isinuot niya ang cap ko.

"Tara na bilisan na natin," sabi niya. "Paunahan. Ang mahuli, siya manlilibre," at bigla niyang pinaharurot ng takbo ang bike niya.

"Oy ang daya mo sabi mo libre mo!" natatawa tawa kong sigaw sa kanya at muli kong pinaandar ang scooter ko.

Kathang IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon