Chapter Five

22.9K 1.4K 569
                                    


Chapter Five

"Pero kahit sa'n man lumingon... nasusulyapan ang kahapon."

ANYA

Umaga na naman.

Napadilat ang mga mata ko habang naririnig kong tumutunog ang alarm clock ng phone ko. Hindi ko maiwasang mapa buntong hininga.

Kailangan na namang bumangon at gumising.

Ano ba 'ko rito?

Kinuha ko yung phone ko na nakapatong sa side drawer ko at in-off ko ang alarm.

Halos siyam na oras akong natulog pero ramdam ko pa rin ang pagod. Wala na naman akong will para bumangon. Parang gusto ko na lang ulit bumalik sa pagtulog.

Ano ba 'ko rito?

Nakakatawang isipin na bago ako matulog, ayan ang huling nasa isip ko. Pagka-gising ko, ayan pa rin ang tanong ko sa sarili ko.

Sabi nila ang bata ko pa raw para kwestyunin ang silbi ko sa mundong 'to. Dapat ito yung panahon kung saan dapat ine-enjoy ko ang buhay at may will ako para i-try lahat ng bagay.

Pero bakit gano'n? Parang pagod na pagod na agad ako?

            Pero bakit gano'n? Parang pagod na pagod na agad ako?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bumangon ako at tinignan ko ang inbox ko. May dalawang unread messages. Una si mama na sinasabing nakapag hulog na siya ng pera sa bank account ko pang tuition at pang bayad ng upa. Pangalawa, si Blue na pinapaalalahanan akong wag ma-l-late kasi mag d-dry run kami ngayon ng lulutuin namin para sa contest.

Pero walang text galing kay Grant.

Ano bang ine-expect ko?

I send him another message.

'Good morning Grant. Ingat ka pag pasok sa school!'

I waited. One minute. Three minutes. Five minutes.

No response.

Baka tulog pa.

Naisipan ko na lang maligo at maghanda papasok sa university. Sa totoo lang tinatamad na ako mag aral. Minsan hindi ko alam bakit pinupush ko pa 'to. Pwede naman ako mag drop out tapos mag hanap ng trabaho. At least hindi ko na kailangan umasa sa padalang pera ni mama. Pero tinitiis ko na lang. Isang taon na lang naman, eh.

Habang nasa shower ako, narinig kong tumunog ang phone ko. Para akong nabuhayan bigla nang loob.

Si Grant?

Kahit may shampoo pa sa ulo, dali-dali akong lumabas ng banyo para sagutin yung call.

Pag tingin ko sa screen ng phone ko...

Kathang IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon