Chapter Twenty Five

16.7K 1.3K 971
                                    

Chapter Twenty Five

BLUE


Gaano ko na ba katagal kakilala si V? Fifteen years? Sixteen years?

Kilalang kilala ko na 'yan. Isang tingin ko lang diyan alam ko na agad kung may problema o wala. Walang naitatago sa akin 'yan.

At kahit ako man, walang naitatago sa kanya. Sa lahat ng tao, siya ang pinaka nakakakilala sa akin. Minsan mas kilala pa niya ako kesa sa sarili ko.

Ganun kaming dalawa. Alam namin ang lahat ng bagay---maliban sa isa.

Namanhid na ba kami para hindi maramdaman ang pinaka mahalagang bagay?

O hindi nga ba talaga alam?

Napailing na lang ako habang nakatingala sa bahay nina V at tinitignan ang bintana ng kwarto niya. Ilang beses ko na siyang tinawagan, tinext at pinuntahan pero ayaw niya pa rin akong kausapin. Naka off ang phone niya kasi cannot be reached siya. Or maybe she blocked me, I don't know. I have no idea.

Hindi nga ba talaga alam? O pareho lang namin dinedeny ang possibility na gusto namin ang isa't isa. Sadyang takot lang kami mag take ng risk.

Hinayaan ko muna si Vanna ngayong araw. Buong araw na rin ako kumakatok sa kanila pero wala talaga. Siguro kailangan niya muna mag isip at huminga.

Pero sana kasi talaga bago siya tumakbo pinakinggan niya muna ako. I'm one hundred percent sure she misunderstood why I kissed her. Knowing her? V is cute and all and I love her so much pero alam ko kung gaano siya ka negative thinker lalo na pagdating sa sarili niya.

Malamang umiiyak siya ngayon sa kwarto niya dahil iniisip nun hinding hindi ko siya magugustuhan and the only reason why I kissed her is because I feel sorry for her. I'm one hundred percent sure ganun ang tumatakbo sa isip niya. At matitigil lang siya kung kakausapin niya ako at papakinggan ang sasabihin ko. Kaya ako na f-frustrate! Kasi kesa kausapin ako, iniiyakan niya ang mga maling hinala niya!

Hay V, napaka tigas talaga ng ulo mo tapos hindi ka pa marunong makinig. Ganyan ka na mula noon hanggang ngayon. Buti na lang mahal talaga kita.

At dahil alam kong useless ang pagtambay ko sa labas ng bahay ni V, dumiretso muna ako sa bistro na madalas kong puntahan para huminga at makapag isip. Kailangan kong pag isipan maigi kung paano ako kakausapin ni V. Kilala ko 'yan, eh. Matagal yan mag tampo. May isang beses na nag away kami dati nang malala tapos isang buwan ako hindi kinausap. Ayoko naman patagalin pa ng isang buwan 'to dahil gustong gusto ko na talaga umamin sa kanya.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kathang IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon