Chapter Seventeen
VANNA
Hindi ako nakatulog.
Kahit anong pikit ko at pilit na i-blangko ang utak ko, hindi ko magawa. My thoughts kept me awake.
Anya opened up to us about her boyfriend. Matagal na niyang alam na he's cheating on her. Iba't ibang babae, hindi lang sa isa. But she never confronted him. Ang dahilan niya, alam niyang hindi okay ang boyfriend niya.
But still...
Minsan aabot ka sa point na sa kakahawak mo sa isang bagay na sira, unti-unti ka na rin nasusugatan hanggang sa hindi mo na kayang hawakan pa.
That's what happened to her.
She clarified na she didn't try to commit suicide. Her wounds are from an accident na sa sobrang heighten ng emotion niya, nabasag niya yung malaking salamin na nakasabit sa pader niya. But then, may mga moments na sumasagi sa isip niya ang self harm.
Kita ko ang pag aalala ni Asul sa sinabi ni Anya. He assured her na she's not alone. Na he's here for her, willing makinig. He made her promise na everytime maiisipan ni Anya yun, tatawag siya kay Asul.
Asul is always like that sa akin at pati na rin sa mga kaibigan namin. It is no surprise to me na ganito ang level ng pag-aalala niya kay Anya because that is him as a person. And I know Anya needs someone na makakausap.
At alam ko ang selfish selfish na ng thought ko.
Pero nag se-selos ako.
Nung gabi, lahat kami sa living room natulog. Kami ni Anya, sa sofa bed. Si Uno at Asul naman ay sa airbed na inilatag nila. Doon ako pumwesto sa dulong bahagi ng sofa bed at si Anya naman ay sa may inner part. Pumwesto si Uno sa dulong side ng airbed samantalang si Asul naman ay sa may inner part din—katabi ni Anya.
Dahil few inches lang ang layo ng sofa bed at airbed, halos magkadikit na si Anya at si Asul.
The whole night nakatalikod lang ako sa kanila. Ayokong isipin, ayokong i-imagine. Ilang beses ko nang sinabi na matutulog na ako. I tried to sing a song in my head para wala na akong maisip na iba pero bumabalik at bumabalik pa rin ang thoughts ko kay Asul at Anya. Iba't ibang scenario ang pumapasok sa isip ko pag naging sila na. I have this feeling na magiging iba 'to as compared doon sa mga naging girlfriend ni Asul. Biglang pumasok sa imagination ko ang sibahan, Anya in a wedding dress, Blue waiting for her at the end of the aisle. And me? Grinning from ear to ear, trying my best to look happy for my best friend but deep inside, I am dying.
I tried to erase that thought from my head pero ayaw mawala. Paulit ulit nag r-replay sa utak ko na para bang sinasanay na ako sa sakit.
Mga past midnight, narinig ko ang boses ni Blue.
"Why are you still awake?" he said with a whisper. I thought he's talking to me but then I heard Anya's voice.
"Di ko makatulog," she answered softly.
"Iniisip mo ba siya?"
Hindi ko narinig ang sagot ni Anya pero naramdaman ko ang bahagya niyang pag galaw.
"Pwede mo bang hawakan ang kamay ko?" I heard her asked Blue.
Hindi sumagot si Asul, but I'm pretty sure he's already holding Anya's hand.
BINABASA MO ANG
Kathang Isip
General FictionPareho kaming nag mahal ng maling tao. Siya---doon sa babaeng hinding hindi niya maabot. Ako---sa kanya na hanggang kaibigan lang ang turing sa akin. Sa larangan ng pag-ibig, meron at meron talagang matatalo.