Chapter Twenty Two

16.9K 1.3K 1K
                                    

 Chapter Twenty Two

BLUE

I love watching V on stage. She shines the brightest whenever she's doing the thing she loves the most.

Katulad ngayon.

The moment she went up the stage, I totally lost it. I can't keep my eyes off her. I know she looks at my direction a couple of times. Maybe she spotted me, maybe not. It's hard to tell kasi ang daming tao. But one thing is for sure, nahulog na naman ako sa kanya ngayong gabi.

Grabe, ilang beses ko na bang sinubukan umalis sa sitwasyon na 'to pero palaging dito pa rin ako bumabagsak?

Wala na ata talaga akong kawala kay V.

My whole attention was on V that time that I became unaware of what was happening around me. I think I heard Anya asked me something pero hindi ko naintindihan at hindi ko rin nagawang sagutin dahil nakatingin lang ako kay V. Ni hindi ko rin napansin na nakahawak na sa braso ko si Anya at nakadantay na ang ulo niya sa balikat ko because I was so engrossed on how V sings. Iba ang hatak ng emosyon. Bawat bitiw niya ng linya, parang balang tumatama sa akin, kasi—wow, yung kantang pinili nila, sobrang sakto sa nararamdaman ko para sa kanya.

"Basta't ang alam ko lang,

Ay sobrang daling mahulog sa'yo..."

Sobrang dali talaga, V. Yung klase ng hulog na hindi na ako makaahon.

Nakita kong lumingon ulit si V sa direksyon namin. Panandaliang nag tama ang tingin namin pero pandalian ding nawala ang atensyon ko sa kanya dahil naramdaman ko ang paghila ni Anya ng manggas ng damit ko kaya naman napalingon ako rito.

Everything happens in a split second. Lumingon ako kay Anya, at pagtingin ko sa kanya, her lips met mine.

Nagulat ako at bahagya akong napa-atras.

Aksidente? O sadya?

"Anya...?"

She gave me a smile as a sign na hindi aksidente ang nangyari.

"Tayo na lang kaya, Blue?" tanong niya sa akin. "Bagay naman siguro tayo?"

Natahimik ako. Bukod sa gulong gulo, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Anya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nag bibiro lang.

"Pwede naman natin gustuhin ang isa't isa," she said and once again, she smiled at me widely. "Pero wag ka na muna sumagot ngayon. I-enjoy mo muna ang performance ng best friend mo."

So I didn't say anything, dahil hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi ko ma figure out kung seryoso si Anya doon.

Ibinalik ko ang atensyon ko kay V pero hindi na siya nakatingin sa pwesto namin. Hanggang sa matapos nila ang performance niya, hindi na ulit siya lumingon. I tried to catch her gaze nung pababa na sila ng stage pero ang bilis niyang bumaba. Ni hindi siya lumingon sa pwesto namin. Hindi ko tuloy alam kung nakita niya ba ako kanina o sa iba siya nakatingin?

For some reason, kinutuban ako na parang may mali. Ewan. Siguro sa tagal ko nang kilala si V ramdam ko na agad kung may problema ba? Nagkamali ba siya kanina? Hindi ko napansin kasi galing na galing ako sa kanya.

I tried to message her pero hindi siya sumasagot. Naka ilang tawag na rin ako but she just won't answer her damn phone.

"May mali," sabi ko kay Anya. "Puntahan ko lang si V sa backstage."

"Ha? Bakit? Isa na lang mag a-announce na sila ng result," sabi naman nito.

"Hindi nag re-reply sa akin."

Kathang IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon