Chapter Sixteen
VANNA
"Kasi kung hindi mo siya gusto, pwede bang akin na lang siya?"
For a second, natigilan ako. Pinakiramdaman kong maigi kung nagbibiro lang ba siya o hinuhuli lang niya ako or what.
Hindi ako nililingon ni Anya. Busy lang siya sa pagtitiklop ng damit. She asked me that question nonchalantly na akala mo nagtatanong lang siya ng oras.
Pero grabe, parang nayanig pansamantala ang mundo ko doon.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.
Scratch that.
Of course I'm well aware kung ano ang gusto kong i-sagot.
He can't have him. Hindi pwede. Ayoko. Hindi ako payag.
But the only thing that's keeping me from saying that is...
...Blue's never mine in the first place. Wala akong karapatan.
Nilingon ako ni Anya, "o, ba't 'di ka makasagot? Hindi pwede?"
Napaiwas ako nang tingin at ibinalik ko ang atensyon ko sa pagwawalis ng mga bubog ng salamin.
"Gusto mo ba si Asul?" balik kong tanong sa kanya without really answering her question.
Hindi agad sumagot si Anya. Tila nag iisip siya. Then after a few seconds, nginitian niya ako.
And I don't why that smile scare the hell out of me.
"Madali na yun gawan ng paraan. Hindi naman siya mahirap magustuhan, 'di ba?"
I was taken a back by what she said pero hindi ko ipinahalata. I know she's saying those things kasi hindi siya okay ngayon.
Pero oo, napakadaling mahulog sa kanya. Proven and tested.
"Na kay Asul naman ang desisyon," sabi ko na lang.
"Tingin mo kung tatanungin ko siya ngayon kung gusto niya ba ako, anong isasagot niya?"
Hindi ako umimik.
Bakit ba pahirap nang pahirap ang mga questions niya? And why is she asking me these?
To be honest, I'm getting uncomfortable. I don't know what her intention is, pero kung iniisip niyang gawing panakip butas si Asul just because he cares for her, my heart's going to break.
Dahil alam kong gusto siya ni Asul.
And Asul is a great guy, he deserves more than that.
I hope that's not the case though. Because I know he likes her so much.
At kung i-le-let go ko man si Asul sa ibang babae, gusto ko doon sa babaeng mahal talaga siya.
~*~
"Sorry talaga hindi ako nakapunta sa practice," sabi ko kay Dawn mula sa phone. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at kumukuha na mga unan. Tinawagan naman ako ni Dawn para kumustahin. "Promise babawi ako next time. Manlilibre ako ng dinner."
"Keribells lang girl, emergency naman at naiintindihan naman namin. Pero syempre push ang libre. 'Di namin tatanggihan yan!" sabi ni Dawn habang natatawa. "So, what happened ba?"
BINABASA MO ANG
Kathang Isip
General FictionPareho kaming nag mahal ng maling tao. Siya---doon sa babaeng hinding hindi niya maabot. Ako---sa kanya na hanggang kaibigan lang ang turing sa akin. Sa larangan ng pag-ibig, meron at meron talagang matatalo.