Chapter Twenty Six

18.1K 1.4K 1.6K
                                    

Chapter Twenty Six

VANNA

I remember my first performance ever on stage. Walang mapag lagyan ang kaba ko noon. That time, gusto ko na lang mag back out.

But I'm glad I went up the stage. Kasi after that, I craved for more. Alam ko na kung ano ang gusto kong gawin at makuha.

At 'yung kaba na naramdaman ko noon, ayun ang nararamdaman ko ngayon as I went up the stairs going to the veranda.

Sa totoo lang, nanginginig ako. Natatakot ako---hindi sa kung ano ang sasabihin sa akin ni Asul---kundi sa kung ano ang mangyayari sa amin after.

Paano kung mangyari 'yung matagal ko nang kinakatakutan? What if I lose my best friend?

Pero tama naman si Anya. One way or another, I'm going to lose Asul. Might as well pakinggan ko na rin kung ano man ang sasabihin niya.

Nung makaakyat ako sa veranda, I saw Asul na nakasandal sa may railings. Malayo ang tingin at parang malalim ang iniisip. Maya maya, tinignan niya ang oras sa watch siya. Siguro iniisip niya kung nasaan na ako. Naka abang?

And I'm right.

Dahil after niyang tignan ang oras ay lumingon siya sa may hagdanan kung saan ako nandoon.

As our eyes met, napaayos nang tayo si Asul at napa-iwas naman ako nang tingin.

"V..." tawag niya sa akin.

Naglakad ako papalapit sa kanya while avoiding his gaze. Pero kahit hindi ako nakatingin sa kanya, I can feel his gaze at me at para akong na-conscious bigla.

"V..." tawag niya ulit sa akin nung makalapit ako. I didn't answer. Hindi ko rin inangat ang tingin ko sa kanya. Inintay ko yung susunod niyang sasabihin.

"V.." pag uulit niya.

I can't help but to roll my eyes and finally nilingon ko siya.

"Ano?!" irita kong tanong. "V ka nang V diyan. Wala ka na ba ibang sasabihin ha?"

Napakamot siya sa likod ng ulo niya and it's his turn para mapaiwas nang tingin.

"V... ano..."

Napa buntong hininga na lang ako.

"Ano?"

"Ano kasi V..."

"Ano nga?"

"Yung ano.. nung isang araw dito... yung ano.."

"Anong ano?" tanong ko kahit alam ko kung ano 'yung tinutukoy niya.

'Yung kiss.

Napaiwas din ako nang tingin kasi ramdam ko ang pag init nang mukha ko.

"Alam mo na 'yun," he said, almost whisper.

"Hindi nga," sabi ko at naiirita ako dahil ang liit din ng boses ko? Aware akong mukha kaming tanga ngayon.

"Di ko masabi," sabi ni Asul. "Gawin ko na lang ulit?"

Napa angat ako nang tingin sa kanya dahil sa gulat sa sinabi niya and I saw him leaning towards me. Kinaltukan ko siya sa ulo bago pa siya tuluyang makalapit.

"Aray!" he exclaimed habang hawak ang tuktok ng ulo niya.

"Uulit ka pa talaga?" irita kong tanong. "Eh hindi mo nga pinaliwanag sa akin bakit mo ginawa 'yon ha?"

Kathang IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon