Epilogue
VANNA
So, did we get our happy ending?
I remember that day, nung araw na nag usap kami ni Asul sa veranda ng tapsilogan and we decided to give ourselves a chance was one of the happiest day of my life. Para nga kaming tanga nun, eh. Kasi after ng tawanan at iyakan at kiss, bigla kaming na awkward sa isa't isa. Asul can't even hold my hand kasi nahihiya raw siya. Yes. Emphasize ko lang 'yung word na nahihiya, dahil nung sinabi niya sa akin 'yun, nabatukan ko talaga siya nang malakas.
After ko siyang batukan, hinawakan na rin niya ang kamay ko nun. Mukhang tanga nga eh kasi simula nang mahawakan na niya ang kamay ko, ayaw nang bitiwan. Nag punta kami sa mall para mag ikot ikot, nakahawak pa rin sa kamay ko. Pupunta ako noon sa girls restroom, sama raw siya kasi ayaw niya akong bitiwan. Binatukan ko ulit.
Ang saya lang nung araw na 'yun. Parang sinulit namin 'yung mga nag daan na taon na puro taguan lang ng feelings ang inaatupag namin.
Pero kahit pa ang saya saya ko nung araw na 'yun, hindi pa rin mawala sa isang parte ng puso ko yung mabigat na pakiramdam.
Kasi may hindi pa ako nasasabi kay Asul.
Buong araw, iniisip ko, paano ko ba sasabihin sa kanya 'yon? Dapat bago pa lang kami mag decide na maging kami, sinabi ko na, eh. But this day is too perfect. Ayokong sirain. Ayokong bawiin agad sa kanya ang saya na ibinigay ko.
Pero alam kong hindi ko dapat patagalin iyon. Ayokong maging huli ang lahat. That's why while we're walking home, and under that lamppost, a few blocks away from our home, hinarap ko si Asul and I dropped the bomb.
"We're migrating soon," I said. "Sa Singapore na kami titira. We're leaving in three months."
Silence. Hindi ko alam kung gaano katagal na katahimikan 'yun. A minute or more than? But it felt like a lifetime.
Hindi siya kumikibo, hindi nag sasalita. Nakapako lang ang tingin niya sa lupa nun na parang hindi niya alam ang sasabihin niya.
We've wasted so much time running away from what we truly felt for each other, and now, it's too late.
I've braced myself for the worst nung sinabi ko kay Asul yun. Inaasahan ko na magagalit siya sa akin, makikipag break siya, hindi na niya ako kakausapin at tuluyan nang mangyayari 'yung kinakatakutan ko.
But instead, after a minute or so of silence, Asul pulled me into a tight hug as he whispered, "one hour plane ride lang ang Singapore, wala rin time difference. We can make this work."
And right then and there, I started crying. Ramdam na ramdam ko kung gaano ko kamahal si Asul at kung gaano ka-tamang desisyon ang ginawa namin.
Yes, we will make this work.
Our last two months together, well, it's nothing extraordinary. Sem break began. I dropped out of university. Me and Asul spent most of our time together. Minsan kasama sina Anya and Uno.
Nakausap ko na rin pala si Uno. I sincerely apologized to him and he told me I don't need to say sorry kasi wala naman talaga siyang plan i-pursue ako. He only did that kasi napipikon na siya sa amin ni Asul. I'm thankful to him, to be honest. Kahit kay Anya rin. I tried na mas maging open pa kay Anya and I realized na I really like her and I know pwede kaming maging mabuting magkaibigan.
BINABASA MO ANG
Kathang Isip
General FictionPareho kaming nag mahal ng maling tao. Siya---doon sa babaeng hinding hindi niya maabot. Ako---sa kanya na hanggang kaibigan lang ang turing sa akin. Sa larangan ng pag-ibig, meron at meron talagang matatalo.