Chapter Twenty
"Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito, wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo."
VANNA
Hindi ako makatulog.
Kanina pa ako nakatingin sa kisame ng kwarto ko at iniisip yung sinabi ni Asul sa akin kanina.
"So hindi pala applicable sa kanya yung rule mo na you don't date your friends. O sa akin lang applicable yun?"
After niyang sabihin 'yon at nung makabalik kami sa table, normal lang ang pakikitungo niya sa akin. Nakikipag tawanan siya at biruan. Inaasar pa niya ako at si Uno.
Pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko yun.
Anong ibig niyang sabihin doon? May bigat ba yung mga salitang yun o nag o-overthink lang ako?
May possibility ba na may gusto si Asul sa akin? Na willing siyang mag risk but he didn't dahil palagi kong sinasabi sa kanya na I don't want to date my friends?
Kaya ba hindi siya nag risk dahil sa akin?
Napatakip ako ng mukha.
Wow, napunta na agad ang imagination ko doon. Napakalabo naman na mangyari nun. Si Asul? May gusto sa akin? That's impossible. Best friend niya ako at alam ko ang thoughts niya sa akin. I'm pretty sure hindi nga nun iniisip na maganda ako.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sama nang loob.
Samantalang si Anya ilang beses niya nang sinabihan ng maganda.
Napabangon ako at napa padyak.
I hate myself. I hate my thoughts and I hate how I feel so hungry at this hour!
Napatingin ako sa orasan. It's 10 minutes before midnight. Dahil sa hindi naman ako makatulog, might as well kumain na lang din ako.
Bumaba ako sa kitchen at binuksan ko yung ref namin. Marami naman laman pero wala akong gusto.
Binuksan ko yung kitchen cabinet para tumingin ng kung anong stocks ng instant meron kami. May pancit canton, may ramen, may corned beef. Tinatamad ako mag luto.
Naramdaman kong kumalam ang sikmura ko.
Gusto ko ng tapsilog. Nabanggit ko kanina yun kay Uno, eh. Sana pala pinush ko na siya na doon na kami sa tapsilogan kumain kesa doon sa mamahaling restaurant na pinagdalhan niya sa akin. Although I appreciate his efforts so much, hindi talaga ako nabusog doon sa pa pasta at salad.
Napaupo ako sa may bar counter. Naalala ko may ilang hating gabi na rin na tinamaan ako ng gutom. Tapos lagi kong minemessage si Asul pag ganun. Sinasamahan niya ako doon sa mcdo or pumupunta kami sa tapislogan sa garahe diyan sa may kanto tutal 24 hours open naman yun. Minsan mga trip namin sa buhay kakaiba. Yung tipong kami lang makakasakay.
Paano kung mag tuloy tuloy 'to? Paano kung iba na yung sinasamahan namin?
That mere thought paralyzes me. All my life kasama ko si Asul sa lahat ng bagay. Yung thought pa lang na magbabago na ang lahat made my heart aches in pain.
Pero hindi naman talaga habang buhay ganito.
Bumalik ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Siguro naman kaya kong pumunta sa tapsilogan ng ganitong oras nang hindi kasama si Asul 'di ba? Siguro naman kaya kong kumain mag isa nang wala siya.
BINABASA MO ANG
Kathang Isip
General FictionPareho kaming nag mahal ng maling tao. Siya---doon sa babaeng hinding hindi niya maabot. Ako---sa kanya na hanggang kaibigan lang ang turing sa akin. Sa larangan ng pag-ibig, meron at meron talagang matatalo.