Chapter Eleven

21.5K 1.4K 1.9K
                                    

Chapter Eleven

"Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito. Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo."


BLUE

Si Vanna.

We met each other when we were in third grade. She was eight and I was nine years old. Bagong lipat sila sa bahay na katapat ng bahay namin. Only child siya, madalas pang wala ang parents niya kaya yung yaya niya ang nakikita kong palaging kasama niya.

Summer nun. Dahil bago nga lang siya dito sa subdivision, wala pa siyang kalaro. Kada naglalaro kami kasama ng mga tropa ko, nakikita ko siya palagi sa may swing, mag isa lang na nakaupo doon habang busy naman sa isang gilid yung yaya niya na mag basa ng pocket book.

May isang time, habang palabas ako ng bahay namin at hila hila ko ang scooter ko, napansin ko grabe siyang makatitig sa akin kaya kinausap ko siya.

"Nu tinitingin tingin mo diyan?" tanong ko sa kanya.

Sumimangot siya pero hindi niya iniwas ang tingin sa akin. Itinuro niya ang scooter na kala-kaladkad ko.

"Bakit ka pa sumasakay diyan eh ang bagal mo naman magpatakbo? Sana nag lakad ka na lang."

Ayun ang una naming conversation dalawa.

Naalala ko nung araw rin na 'yon, hinamon niya ako magpaunahan papunta sa park. Ako—sakay ng scooter. Siya tatakbo lang. Sa isip ko, ang lakas naman nang loob ng batang babae na 'to kung makapag hamon. Eh ang liit liit niya.

Well.... mabilis siya tumakbo. Halos manalo nga siya, eh. Pero yun lang, nadapa siya. Kitang kita ko kung paano siya nag dive sa sahig.

At ang una kong ginawa nung nadapa siya?

Tinawanan ko siya. As in ang lakas ng tawa ko, habang tinuturo turo ko siya.

Nakita ko bigla ang pamumuo ng luha sa mga mata niya at bigla siyang umiyak. Malakas na iyak. Natigil ako bigla sa pag tawa at nawala ang ngiti sa labi ko.

Dali dali akong lumapit sa kanya para alalayan siyang tumayo. Nakita ko rin na tumatakbo papalapit yung yaya niya. Itinayo niya agad ang batang babae at binuhat. Pilit pinapatahan. Tinatanong ako kung anong nangyari pero hindi ako makapag salita. Hanggang sa umalis na sila.

Hindi ko pa siya kilala nun. Ni hindi pa kami magkaibigan nun. Pero hanggang gabi bago ako matulog, naririnig ko yung iyak niya. Tapos hindi mawala sa isip ko yung itsura niya habang umiiyak.

The next day, nakita ko siya sa park, binilhan ko siya ng ice cream bilang peace offering. Pero sabi niya sa akin masama pa rin ang loob niya sa pagtawa ko sa kanya kaya nagpabili pa siya ng cotton candy.

After that day, we became inseparable. Until eventually, naging best friend ko na siya.

 Until eventually, naging best friend ko na siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kathang IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon