Chapter Eighteen
VANNA
"Oo nga. Seryoso ako. I want to court Vanna."
Katahimikan. Wala ni isang umimik after sabihin ni Uno 'yon. Tinignan ko siya I swear I'm waiting for his punchline. Iniintay ko na tumawa siya nang malakas at sabihing biro lang ang lahat.
But instead, he just stared at me seriously.
Parang gusto kong mag hyperventilate?
It's been a while since someone told me he likes me. Sa totoo lang hindi ko alam ang ire-react ko? Hindi ko alam ang dapat sabihin.
Mas lalo na dahil hindi ko in-e-expect na kay Uno manggagaling 'to.
He's been my friend since highschool. Hindi ko in-expect na....
Napalingon ako kay Asul. He's also staring at Uno pero hindi rin siya makapag salita. Maybe he's as shocked as I am.
But I wonder what's going on inside his head?
"Vanna.."
My heart almost jump out my chest nang banggitin ni Uno ang pangalan ko. Napabalik bigla ang atensyon ko sa kanya ang I saw him walking towards me.
I'm starting to panic. Hindi ko alam kung aatras ako o hahayaan ko siyang lumapit sa akin. I don't know what he's going to say or what he's going to do next. Sobrang nabigla ako sa sudden confession niya at mas nakakaloka na sa harap pa ni Asul niya sinabi.
Uno stopped walking right in front of me. Tinignan niya ako ng diretso sa mata and then he place his hand on top of my head.
"Vanna," he said again before breaking into a smile. "Relax. You don't have to say anything. I'm just saying I want to court you. I've been meaning to for a long time actually. Pero hindi mo naman kailangan pumayag right away. Gusto ko lang malaman mo."
I gave him a nod as an answer. He chuckled at ginulo niya ang buhok ko.
"Relax. Wala naman akong gagawin," natatawa tawa niyang sabi. Then lumingon siya kay Asul. "'Di ba, Blue?"
Napatingin ako kay Asul. At sakto, nakatingin din siya sa akin. Kita ko ang gulat sa mga mata niya pero hindi ko maipinta kung ano ang iniisip niya.
Tumalikod si Asul sa amin at bumalik sa harap ng kalan.
"Sige na umupo na kayong dalawa, magluluto lang ako ng breakfast," sabi niya.
My heart sinks.
I was not expecting this kind of reaction from him.
Hindi man lang ba niya tatanungin si Uno kung seryoso siya? At least man lang bilang sa best friend niya ako?
Does he even care?
"May kape kayo?" tanong ni Uno sa akin.
Iniwas ko ang tingin ko kay Asul at ibinalik ko ito kay Uno. I forced a smile.
"Wait mag b-brew lang ako."
~*~
"Kumain ka nang marami!" Asul said habang ipinaglalagay niya ng garlic rice sa plato si Anya.
Gusto kong mag wala. Kanina ko pa ino-observe si Asul pero wala akong makuhang reaction from him. Eto yung nakakainis sa kanya, eh. Alam kong matagal na kaming magkaibigan, pero meron talagang mga pagkakataon na ang galing galing niyang mag tago ng reaksyon. Hindi ko malaman kung apektado ba siya sa sinabi ni Uno? Nagulat ba siya? 'Di rin ba niya inexpect? Anong thoughts niya? Tropa namin si Uno pero ngayon gusto niya na ako ligawan. Anong masasabi niya doon? Wala ba siyang planong kausapin si Uno?
BINABASA MO ANG
Kathang Isip
General FictionPareho kaming nag mahal ng maling tao. Siya---doon sa babaeng hinding hindi niya maabot. Ako---sa kanya na hanggang kaibigan lang ang turing sa akin. Sa larangan ng pag-ibig, meron at meron talagang matatalo.