Chapter Twelve
VANNA
Junior High School. Naalala ko nung time na may tumamang super typhoon sa lugar namin. Gabi. Sobrang lakas ng ulan at hangin. May kasama pang kulog at kidlat.
Naalala ko nun mag isa lang ako sa bahay. Nasa business trip sa Singapore si mommy at daddy nun. Naka day-off naman yung kasambahay namin.
Then biglang nag brown out.
May phobia ako sa madidilim na lugar. Hindi ako makatulog ng hindi nakasindi ang lamp sa bedside ko.
1AM nung nag brown out. Sobrang dilim. Ang lakas ng ulan sa labas at hinahampas ng hangin ang bintana ng kwarto ko. Hindi ko makapa yung cellphone ko. Nawala sa isip ko kung saan ko naipatong. Nag p-panic na ako nun. Sa sobrang panic ko ang hirap nang huminga. Halos hindi ako makagalaw sa kama ko at wala na lang akong ibang nagawa nun kung hindi ang umiyak.
Hanggang sa nakarinig ako ng kalampag ng pinto sa may sala namin. Maya maya lang ay may nagbukas ng pinto ng kwarto ko. The first thing I saw is a blinding light. Then naaninag ko ang mukha ni Blue.
"V," he said, exasperated.
Lumapit siya sa akin at doon ko napansin na basang basa siya. There's a worried look on his face.
Napahagulgol na lang ako.
He scooped me in his arms at niyakap niya ako nang mahigpit.
"It's okay. I'm here," he whispered while gently tapping the back of my head.
That whole night, Blue stayed with me.
Alam ni Asul ang phobia ko sa dark places kaya nung nag brown out, ang first instinct daw niya ay kumuha ng flashlight at tumakbo papunta sa bahay namin. Buti na lang alam niya kung saan nakatago yung spare key ng bahay. Ni hindi na nga raw siya nakakuha ng payong nun dahil sa pag mamadali kaya basang basa siya nung makarating sa amin.
Nung medyo ma kalma ako, I lend him a towel and daddy's shirt and short.
Naalala ko, we stayed up all night. Nasa sala lang kami, nag kukuwentuhan nang kung anu ano while drinking a cup of hot chocolate.
It was nice. The weather was cold yet that night, I feel warm. Hindi na rin ako natatakot na tanging yung kandila lang sa lamesa ang liwanag na nakikita ko nung gabing yun. For some reason, whenever I'm with Blue, I feel a little bit braver.
That's one of those nights I don't want to end.
Naalala ko yung isang conversation namin during that time.
Halos 4AM na nun. Tinatamaan na rin ako nang antok. Nakahiga na ako sa sofa nun at parang any minute makakatulog na ako. Nasa sahig pa rin si Asul, naka indian seat habang inuubos yung snack na inilabas namin.
BINABASA MO ANG
Kathang Isip
General FictionPareho kaming nag mahal ng maling tao. Siya---doon sa babaeng hinding hindi niya maabot. Ako---sa kanya na hanggang kaibigan lang ang turing sa akin. Sa larangan ng pag-ibig, meron at meron talagang matatalo.