Chapter Two
"Ito'y maling akala, isang malaking sablay...."
BLUE
I don't like her.
Ayun ang unang pumasok sa isip ko nung una ko siyang makilala.
She's so rude, walang pagpapahalaga sa oras ng iba, mataray at parang every second laging naghahanap ng away. The way she talks is always so full of sarcasm. At higit sa lahat, she's way too toxic to handle.
Pero despite of all of that, bakit ko ba siya minahal?
Hindi ko rin alam. Ilang beses ko nang kinuwestyon ang sarili ko kung may sira na ba ulo ko? Naalala ko yung mga naging girlfriend ko in the past. Pag nag aaway na kami, nakikipag hiwalay na agad ako. I can't handle the drama, I can't hande the toxicity.
Pero tignan mo nga naman ang nagyayari sa akin ngayon. Para akong naghanap ng batong ipupukpok sa ulo ko.
I shouldn't have went with her that night.
~*~
Why the hell am I here?
Napatingin ako sa paligid. Maraming tao, mausok, maingay.
Tinignan ko ang babaeng nakaupo sa tabi ko dito sa bar counter kung saan kami nakapuwesto. Natuyo na yung kaninang basa niyang buhok. Mas aninag ko na yung mukha niya ngayon. There's a playful smile on her lips while she's staring at the bucket of beer in front of her.
I have to admit, she really is beautiful at habang binubuksan niya ang isang bote ng beer, there's this glimpse of innocence on her face.
Ang saya niya tignan ha? Samantalang kanina nung pinuntahan niya ako sa coffee shop, simangot ang isinalubong niya sa akin. Tapos salubong pa yung kilay nung tinitignan niya yung menu na ginawa ko. Pero ngayon parang inosenteng bata na ang saya saya sa nakikita niya.
Kung bakit niya ako hinatak sa bar kahit na kanina pa lang kami nagkakilala ay hindi ko naiintindihan. Kung bakit ako nagpahatak ay mas lalong hindi ko naiintindihan.
Napatingin ako sa orasan sa phone ko. It's already 7PM. May gig ang banda ni Vanna ng 10pm. Plano ko pa sana mag laro ng DOTA saglit bago ako pumunta sa gig niya kaso, bukod sa late na dumating ang babaeng 'to sa meeting namin, kinidnap pa ako.
Napabuntong hininga ako at napatingin sa kanya. Inangat niya ang tingin niya sa akin at tinaasan niya ako ng kilay. The innocence I've seen was gone.
"Alam kong maganda ako, pero tititig ka na lang ba sa akin o tutulungan mo akong ubusin 'tong mga beer na 'to?" tanong niya.
"Kailangan ko nang umalis," sabi ko. "May gig kasi si Vanna. Iniintay ako nun. Hindi nakakakanta yun pag wala ako."
BINABASA MO ANG
Kathang Isip
General FictionPareho kaming nag mahal ng maling tao. Siya---doon sa babaeng hinding hindi niya maabot. Ako---sa kanya na hanggang kaibigan lang ang turing sa akin. Sa larangan ng pag-ibig, meron at meron talagang matatalo.