Chapter Three
"Mga gabing 'di namamalayang oras ay lumilipad.
Mga sandaling lumalayag kung saan man tayo mapadpad."
BLUE
I woke up with the sound of my phone ringing.
Kunot noo kong kinapa-kapa ang phone sa ilalim ng unan ko. Halos hindi ko ma-idilat ang mata ko at parang binibiyak sa sakit ang ulo ko.
Nang mahanap ko ang phone ko, dali-dali ko 'tong sinagot.
"Hello?"
"Anong oras mo plano umuwi?" dinig kong boses ni mama mula sa kabilang linya.
"Ha?" wala sa sarili kong tanong.
"Anong oras matatapos yang group project niyo? Dito ka ba mag tatanghalian sa bahay?"
"Ha?" tanong ko ulit. Ang sakit ng ulo ko. Parang nasunog lahat ng braincells ko at hindi ko ma process yung tanong ni mama.
"Ha? Hakdog," sabi ni mama. Mas napakunot noo ko. Si mama ba talaga 'tong kausap ko? Tinignan ko sa screen yung pangalan ng kausap ko. Wala ako halos makita dahil nanlalabo mata ko.
Inilapit ko ulit sa tenga ko yung phone, "ma?"
"Sabog ka ba Blue?" tanong ni Mama. Boses nga niya talaga. "School project ba yang ginawa mo o nag walwal ka lang kagabi?"
Doon ako natauhan at napaupo ng maayos. Shit.
Nilingon ko ang paligid. Hindi ko 'to kwarto. Nasaan ako?!
"Blue!" dinig kong tawag ni mama.
"Ah, ma, hindi na ako diyan kakain ng lunch. Umuna na kayo. Sige bye! Love you ma!"
I ended the call bago pa makapag salita si mama. For sure mamayang pag uwi ko talak ang aabutin ko doon.
Tinignan ko ang phone ko at doon ko nakita ang sunod-sunod na text messages ni Vanna sa akin kagabi. Ang pinaka huling message niya ay:
'Nakausap ko na si Anya. Lasing ka raw kaya dinala ka niya sa motel. Wala akong planong sunduin ka. Sabihin ko na lang sa mama mo ginabi ka sa pag gawa ng school project. Ingat.'
Napahimas ako sa noo ko.
Shit. Hindi ko napuntahan yung gig ni Vanna. Ramdam ko yung galit niya sa akin. Mapapatay talaga ako nun.
I was about to get off of the bed nang biglang bumukas yung pinto ng bathroom kaya naman agad akong napatalukbong ng kumot dahil sa gulat.
Nakita ko si Anya na bagong paligo at nagtutuyo ng buhok habang nakataas ang kilay sa akin.
"Makapag talukbong feeling sisilipan kita," pairap niyang sabi.
"W-wait.. wait... nandito ka?" gulat kong tanong sa kanya.
"Bakit may problema ba?"
Nag lakad siya papunta sa tukador at humarap sa salamin habang sinusuklay ang buhok niya.
Anong nangyari kagabi?
Ang last memory ko ay umiiyak si Anya, and I feel uncomfortable kasi I can't make her stop crying. Hindi ko rin naman siya maiwan and I feel frustrated kaya napainom na lang ako ng marami and.... black out. Wala na akong maalala.
BINABASA MO ANG
Kathang Isip
General FictionPareho kaming nag mahal ng maling tao. Siya---doon sa babaeng hinding hindi niya maabot. Ako---sa kanya na hanggang kaibigan lang ang turing sa akin. Sa larangan ng pag-ibig, meron at meron talagang matatalo.