Chapter Twenty Four
VANNA
"It's because of Anya... is it?"
Hindi ako umimik. We're both looking at each other's eyes. Nagpapakiramdaman.
Sa totoo lang, hindi ko alam ang tamang i-sagot. Itatanggi ko ba o aamin na ako? Haharapin ko na ba with a risk na masira ang friendship namin o itatago ko na lang 'to hanggang sa hukay?
Ayokong umamin pero pagod na akong magtago.
That's why I didn't say a thing. I chose silence.
Asul is the first one to break the eye contact. Ibinaling niya ang tingin niya sa sisig na kinakain ko at kumuha siya doon.
"Hindi kaya enjoy 'to kainin mag-isa," sabi niya sabay subo. "Kaya dapat yayain mo 'ko."
Napaiwas din ako nang tingin at naki-kuha sa sisig.
"Hindi naman sa lahat ng oras available ka," sabi ko. "Kaya one way or another, dapat masanay na akong mag-isa."
Muli kong inangat ang tingin ko kay Asul and he's looking at me agad. For a sec, I thought I saw sadness in his eyes---na napalitan agad ng isang ngiti.
"May point ka doon," sabi niya.
At itinuloy namin ang pagkain ng sisig.
Habang kumakain, we talk about the most random stuff. Pero hindi ito 'yung katulad ng conversation namin na smooth sailing kahit gaano pa kawalang kwenta. Ngayon, halatang pilit. May magtatanong, sasagutin ng maikli.
"Laging sisig kinakain natin. Try naman natin ibang dish next time."
"Sige."
"Ang traffic kanina 'no?"
"Oo nga, eh."
"Buti huminto ang ulan."
"Kaya nga, eh."
"Nilalamig ka ba?"
"'Di naman. Ikaw?"
"Hindi rin."
Pero ang lamig. Ang lamig ng pakikitungo namin sa isa't-isa. At alam ko malaking parte nun ay dahil sa akin.
Nung matapos kaming kumain, nag yaya siya sa rooftop para tumambay ulit saglit at magpababa ng pagkain. Kaso nakita namin na close yung rooftop ngayon. Para akong nakahinga nang maluwag dahil gusto ko nang umuwi at umiyak kasi hindi ko maintindihan, ang bigat bigat ng pakiramdam ko na kasama ko si Asul. Wala naman siyang ginagawa pero nasasaktan na ako.
Kaya lang mukhang wala sa akin ang swerte ngayon kasi pinaakyat pa rin kami nung may-ari ng tapsilogan doon sa rooftop. Kilala na kasi kami na regular customer at alam na doon kami tumatambay dalawa pagkakain.
Ngayon, solo namin ni Asul ang rooftop habang nakatingin sa citylights.
Ayos. Walang istorbo dito. Pwede ko na siyang iyakan.
BINABASA MO ANG
Kathang Isip
General FictionPareho kaming nag mahal ng maling tao. Siya---doon sa babaeng hinding hindi niya maabot. Ako---sa kanya na hanggang kaibigan lang ang turing sa akin. Sa larangan ng pag-ibig, meron at meron talagang matatalo.