Chapter Twenty Three

15.9K 1.3K 1K
                                    

Chapter Twenty Three

ANYA

Pagod na ako.

Ayun ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko habang hinihila ako ni JT palayo kay Blue. Pagod na ako to the point na hinayaan ko na lang siyang hilahin ako. Hindi na ako nag pumiglas. Hindi ko na inalam kung saan niya ako dadalhin. Basta pagod na ako.

At hindi ko alam kung bakit o kung anong dahilan. Hindi ko na maintindihan.

Nang makasakay kami sa kotse ni JT, nilingon niya ako at nginitian.

"Hindi pa tayo nag b-breakfast. Ano gusto mo?" he said. "Dali, ililibre kita." Then he checked his phone, "saan ba masarap kumain?

" Then he checked his phone, "saan ba masarap kumain?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ako nag salita. Napatingin lang ako kay JT na nakangiti sa akin. Ang ganda ng ngiti niya, hindi mo iisipin na may problema siya. Oo, alam ko na may problema siya kasi pinuntahan niya ako kagabi. We slept together. At pumupunta lang naman siya sa akin kung gusto niyang makalimot.

I don't mind, really. Kasi gusto ko rin makalimot.

Alam ko pag nalaman ng iba ang set-up namin na 'to maraming manghuhusga, pero sa totoo lang, wala na akong pakielam. Kasi minsan hinahanap ko rin 'yun, eh. Yung mahawakan, yung mayakap, halikan...

I want to feel things dahil unti unti na akong namamanhid. Baka mamaya patay na pala ako, hindi pa ako aware.

And yes, JT was able to make me feel things but not enough to make this shallow feelings go away.

"Uy natutulala ka," sabi ni JT. "Saan mo gustong kumain. Dali, madali mag bago isip ko," he said jokingly.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya, "pagod na 'ko," I breathed.

"Dahil ba sa pag hila ko kanina? Sorry, I walked fast."

Umiling ako while trying to blink back the tears. "Pagod na 'ko, JT," pag uulit ko. "Parang ayoko na."

Sumeryoso ang mukha niya, "Anya, don't say that."

"Wala na akong maramdaman. Wala na akong gustong gawin. Wala na."

"Anya.... is it because of Blue? Do you really like him?"

I blinked at tumulo ang luha sa mata.

"Alam mo, alam ko namang hindi niya ako gusto. Maybe he got attracted? Pero hindi niya ako nagustuhan tulad nung kay Vanna. Pero pag nasanay ka palang mag-isa, nakaka-adik pag nakahanap ka ng taong may pake sa'yo. Nakaka adik malagaan," pinunasan ko yung luha sa mata ko. "Nakaka selfish din," pagpapatuloy ko. "Kaya tinry ko na kuhanin siya kay Vanna kasi gusto ko akin lang siya. Ayoko nang may kahati. Hindi ko naman mahal si Blue, eh. Gusto ko lang yung pinapakita niya sa akin. Grabe 'no ang sama kong tao?"

Kathang IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon