Chapter Ten
BLUE
"Ibang level na ang mga luto mo, chef. Parang dati lang pancit canton lang ang pinapakain mo sa amin, ngayon may pa ramen ka na," pang aasar ni JT sa akin.
Weekend. Nagkayayaan kaming dalawa na mag laro ng online games dito sa bahay. Naisipan kong ipakain yung ramen na niluto ko sa kanya. Pinag bantaan na kasi ako ng ate ko na kapag pinakain ko pa siya ng ramen, ipopost niya sa Facebook yung mga nakakahiyang baby pictures ko. Sobrang umay na niya kasi kada nag p-practice akong mag luto ng ramen para sa competition, sa kanila ko pinapakain.
Si JT, tropa namin ni V nung High School. JT, short Juan Timothy. Uno naman ang tawag sa kanya ni V noon. Kung ako Asul, si Juan ay Uno.
May katangakaran si JT. Maporma in terms of pananamit at maging sa mga babae. Ewan ko ba, nung Highschool never naging single ang gago. Pero nung tumungtong kami ng college, never naman siyang nagka girlfriend. Akala nga namin mas magiging malala siya. Buti naman at kahit papaano eh nag tino.
"Ayos ba lasa?" tanong ko sa kanya. "Ikakapanalo ko na ba yan?"
"Naman!" sabi niya habang tuloy tuloy na kumakain. "Pero teka, balita ko kay Vanna, chix daw yung kapartner mo sa cooking contest? Type mo raw?"
"Sinabi niya sa'yo?" gulat kong tanong. Napakamot na lang ako sa ulo. "Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang isang 'yon."
"Sus! Sasabihin mo rin naman sa akin," sabi ni JT. "Kanino ka pa ba mang hihingi ng advice pumorma?"
Napailing na lang ako habang bahagyang natatawa. Naalala ko dati, lahat ng pag porma ko doon sa nililigawan ko nung High School, si JT ang may pasimuno. Alam na alam nung gago kung paano magpakilig ng mga kababaihan. Praktisado, eh. Effective naman kasi sinagot ako ng nililigawan ko.
"Pero dude, akala ko talaga dati kayo ni Vanna magkakatuluyan."
Bahagya akong natigilan sa sinabi niya pero hindi ko ipinahalata. Ipinako ko ang tingin ko sa bowl ng ramen na kinakain ko.
"Ba't mo naman nasabi?"
"Wala lang. Pakiramdam ko kasi dati nung highschool may gusto ka kay Vanna. Tsaka 'di ba kaya kayo nag break ni---"
"Parang kapatid ko na 'yun si Vanna," pagputol ko sa sinasabi niya.
Bahagya kong inangat yung tingin ko sa kanya. Patango tango lang siya pero yung expression ng mukha niya halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Edi ayos, pwede ko siyang ligawan."
Halos mabitawan ko yung kutsarang hawak ko dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Kathang Isip
General FictionPareho kaming nag mahal ng maling tao. Siya---doon sa babaeng hinding hindi niya maabot. Ako---sa kanya na hanggang kaibigan lang ang turing sa akin. Sa larangan ng pag-ibig, meron at meron talagang matatalo.