Chapter Thirteen

21.3K 1.4K 936
                                    

A/N:

Trigger warning: Some parts includes suicidal thoughts.


Chapter Thirteen

ANYA

Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hinding hindi ko susukuan si Grant katulad nang hindi niya pag suko sa akin nung panahong sobrang detached ko sa mundo.

Tatratuhin ko ang sarili ko na parang isang balon. Hindi napupuno sa kahit na anong ibato niya sa akin.

Ang mahalaga, maging okay siya.

Pagkatapos namin mag grocery at kumain nina Blue at Vanna, naisipan kong puntahan si Grant. Namiss ko siya bigla. Tatlong araw na rin na walang paramdam yun. Gusto kong bigyan siya ng oras para mapag-isa at makapag isip pero nang makita kung paano si Vanna at Blue sa isa't isa, parang gusto ko na lang din makita si Grant at yakapin siya.

Hindi ko alam kung napapansin ng dalawang yun ang mga simple at maliliit na bagay na ginagawa nila para sa isa't isa, yet it speaks a lot.

Blue letting Vanna take the passenger seat in front because that's her usual spot. Vanna letting Blue take the egg on her ramen because it's Blue's favorite. The way Blue ordered extra tempura for him and Vanna to share nang walang tanong tanong kung gusto ba ni Vanna yun---but it's already understandable.

The way they take care of each other with those little things...

Miss ko na si Grant.

Ganyan kami dati. At palaging nandoon pa rin ang hope na babalik din kami sa dati.

Hihintayin ko lang na maging okay siya.

Sabi ko nga, para akong balon. Hinding hindi ako mapupuno sa kanya.

Pero hindi ko inakala na pwede pala akong maubos.

Gusto ko siyang i-surprise ngayon. Nag dala ako nung favorite niyang lasagna. Plano ko sana siyang yayain mag movie marathon tutal we haven't done that for a long time.

Pumunta ako sa condo kung saan siya nag i-stay. Shared condo ito. Tatlo silang nakatira mag pipinsan. Nung dumating ako sa condo nila, kita ko ang gulat nung dalawang pinsan niya nung makita ako. There's a guilty look on their faces at ayun pa lang, I already know what's up.

"Si Grant nasaan?" tanong ko with a simle on my face.

Umiwas ng tingin ang pinsan niya sa akin, "w-wala eh. Umalis."

Nag sisinungaling siya.

"Saan daw nag punta?" mahinahon kong tanong.

"H-hindi ko alam eh. Hindi sinabi. Text mo na lang."

"Pwedeng mag hintay ako sa loob?"

Hindi siya nakasagot. Mabait sa akin ang mga pinsan ni Grant. Madalas nila ako pinapapasok sa loob ng condo kapag iniintay ko siya. Pero ngayon, kita ko ang pag aalinlangan.

"Naku, magulo ang bahay eh. Doon ka na lang sa coffee shop mag intay sa baba."

Nawala ang ngiti sa mukha ko.

"Nasa loob si Grant. Alam ko nandiyan siya."

"Anya—"

Hindi ko na siya hinayaang mag salita and I just let myself in.

Kathang IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon