Chapter Fifteen
VANNA
High School. Naalala ko yung gabing sinabi sa akin ni Asul na break na sila nung first girlfriend niya. He told that in a matter of factly way. Hindi niya sinabi kung anong dahilan pero aware ako na ang pinag simulan ng away nila yung araw na hindi siya naka-sipot nung monthsary celebration nila dahil sa akin. Ayun yung nag luto ako ng hotdog at muntik ko na masunog ang buong kusina namin.
Naalala ko nung araw na yun, kabadong kabado ako kasi alam kong papagalitan ako ng parents ko. And true enough, galit na galit nga sila sa akin kasi nagkaroon ng malaking marka na itim yung pader ng kusina.
Blue stayed with me to comfort me. Iyak ako sa kanya nun. Na singahan ko pa ata yung manggas ng polo niya.
I remember ang bango niya nung araw na yun. Nagpapa impress ata sa jowa. Pero hindi bagay sa kanya yung polo at shades na suot niya. That's so not him.
But still, it shows na he really like her for him to dressed up like that. Kaya nga grabe ang konsensya ko nung nag break sila. Feeling ko kasalanan ko. Kaya hindi ako matigil sa pag iyak nung araw na yun.
"Para kang tanga," sabi ni Asul. "Di ba dapat ako ang cino-comfort mo? Bakit ikaw ang cino-comfort ko ngayon?"
Mas naiyak ako sa sinabi niya. Tinawanan niya lang ako and he pulled me near me. I said sorry dahil hindi siya nakapunta sa date niya nung araw na yun dahil sa katangahan ko. Kung hindi niya ako pinuntahan, edi sana sila pa.
"Wala ka naman kasalanan," sabi ni Asul nung hindi ako matigil sa kakaiyak nang sabihin niya sa akin na break na sila. "Gusto ko na rin talaga makipag break kasi binabago niya ako nang husto. Buti na lang inunahan niya na ako."
Blue told me na hindi niya pinagsisihan na pinuntahan niya ako nun kasi kung hindi, baka pati ako nasunog din. "Tanga ka pa naman, sobra," he said in a joking manner at hinampas ko siya. Pero nung time na yun, parang sasabog ang puso ko sa saya dahil ramdam na ramdam ko ang halaga ko kay Blue.
Ilang beses pang naulit yun. Yung may mga importante siyang bagay na dapat gawin pero ako ang inuuna niya. Ako ang pinipili niya.
Yung time na nagkayayaan ang barkada na mag Boracay, kaso hindi ako nakasama kasi nagka bulutong ako, nag paiwan na rin si Asul nun para hindi raw ako masyadong mainggit.
Nung nanalo siya ng dinner for two sa isang sikat na restaurant. Pwede naman niya isama ang ibang tao pero ako yung sinama niya.
Little things. Madalas kong balewalain dati. Sa isip ko, normal lang naman sa'ming dalawa ang mga bagay na 'yun. Isa sa maraming bagay na nakasanayan na.
At oo, kahit pa gaano ko kagusto si Blue, alam kong ginagawa niya ang mga bagay na yun dahil best friends kami.
Ito ang isang bagay na pinoprotektahan ko. Isang bagay na ayokong mawala sa akin.
Pero habang nasa sasakyan ako ni Uno papunta sa ospital kung nasaan si Asul ngayon, pakiramdam ko parang unti-unti na siyang nawawala sa akin.
"Hindi ba nasabi sa'yo ni Blue bakit nasa ospital siya?" tanong ni Uno habang nag d-drive siya. I'm lucky enough na he's here para ihatid ako. Kung hindi, baka kanina pa ako natataranta.
Umiling ako, "hindi ko alam, eh. Na-aksidente ata yung kaibigan namin."
Napahinga ako nang malalim. Naalala ko bigla yung sinabi sa akin ni Asul sa phone.
BINABASA MO ANG
Kathang Isip
General FictionPareho kaming nag mahal ng maling tao. Siya---doon sa babaeng hinding hindi niya maabot. Ako---sa kanya na hanggang kaibigan lang ang turing sa akin. Sa larangan ng pag-ibig, meron at meron talagang matatalo.