Chase's POVPagkatapos dalhin sa clinic si Kate, bumalik na rin ako sa klase ko. Nasa locker kase ako kanina, nasa first floor iyon kaya makikita mo kung sino ang bababa sa magkabilang hagdan, kung titingin ka kaliwat kanan. Kaya nakita ko si Kate na na naglalakad papunta sa kung saan kaya sinundan ko nanaman siya.
Sakto naman nandon ako kaya binuhat ko na siya ng mawalan ng malay, nagdatingan na rin ang mga tao at mga pinsan at kuya niya. Buti hindi naman kami magkaklase, masyado kaseng lunod sa pag-aaral yon. Pero ang pinsan niya ang kaklase ko, si Natalie Kei Mariano. Hindi siya malandi katulad ng ibang babae pero ubod ng arte!
Ngayon naman ay nasa klase na ako at hindi ako makapakinig ng maayos sa teacher. Sinulyapan ko sila Eion at Allen na mga bestfriends ko.
Hindi nila alam na may gusto ako don sa mariano'ng iyon. Aasarin lang ako ng mga yon.
"Mr. Garcia!" napabalikwas ako at napasara ang bibig. Sh*t!
"Sorry maam!"
"Hahhaahahahahahah" tawanan ng mga kaklase ko.
"Sino nanaman iniisip mo pre?" natatawang sabi nila.
"Wala na kayo don" sabi ko nalang.
Pinilit ko nalang ulit makinig kay maam.
Pagkatapos ng apat na klase ay umuwi na ako sa bahay dahil half day lang kami at Pre-pageant mamayang 5.
*Kringgg!*
Agad kong sinagot ang tawag ni Lianne.
"Kuya! Nasan si Kate?!" sigaw niya sa akin. Agad naman akong nagtaka.
"Bakit sakin mo tinatanong eh trabaho mo yon!" sigaw ko rin sa kanya.
"Wala na siya sa clinic!"
"Baka umuwi na!"
"Sabi ko dalhan ako donut eh" bulong niya pa.
"Ano?!"
"Wala uuwi na ako! Bye!"
Pagkatapos ng tawag ay kumain na ako ng tanghalian. Hindi kami sabay nauwi ni Lianne dahil ayaw niya, nakasasakyan ako at motor ang kanya. Hindi rin kami sabay na nakain dahil hindi rin naman kami sabay magutom o ano.
Pagkatapos noon ay dumiretso na ako sa kwarto ko at pumikit. Naisip ko ang mga narinig ko isang buwan na ang nakalipas..
FLASHBACK<<<<
Chase's POV
Masaya akong umuwi ng bahay dahil nandoon daw ang mga pinsan ko. Ngayon lang ulit kami magkikita pagkatapos ng christmas vacation.
"Manang nasan po sila Lianne at sila mommy?" masayang tanong ko kay manang na nag-aayos ng meryenda sa kusina.
"Nasa taas yata eh, magpalit ka muna ng damit at magmeryenda hintayin mo nalang sila dito" sabi niya sa akin at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Ganoon nga ang ginawa ko nagpalit ako ng damit pero mukhang wala namang tao dito sa second floor. Nasan sila?
Umakyat ako ng third floor kung nasan ang office nila mommy at living room.
"Malapit na ang birthday niya" nino? Pero boses ni Lianne yun ah. Kanina pa pala siya nandito?
Malapit na ako sa taas non ng marinig ko ang pag-uusap nila. Hindi ako tumuloy at nakinig nalang muna.
"Saan siya magbibirthday tita? Dito o sa Spain na?" tanong naman ni Erin, pinsan ko.
"Syempre dito"
YOU ARE READING
The Masters Love
Teen FictionKate Azalea, 17 taong gulang. Lumaki kasama ang pamilya. Pero wala man lang buo'ng pagmamahal na natanggap mula sa pamilya. A girl whose very mysterious will rise. She will taught herself how to fight even if blood floods. Kayanin kaya niya? Kayani...