Kate's POV*KRINGG* *KRINGG*
Iminulat ko ang mata ko at tumingin sa kaliwang bahagi para makita ang labas, gabi na. Tumugtog pa rin ang kanta kung ano anong malulungkot pa ang tugtog.
Pinatay ko iyon at naligo.
Nagbihis ako at nag suot ng white v-neck shirt at black short shorts.
Kinuha ko ang phone ko at biglang namatay ang missed call.
76 missed call from Kuya Ken
103 missed call from Unknown
134 missed call from Unknown
428 messages.Sabog na sabog pala ang phone ko kanina.
Alas dyis na at mahigit pitong oras akong tulog.
"Hello this is Azalea Mariano"
Tumawag na lang ako para humingi ng pagkain.
"Yes, Good evening Miss Kate! How may I help you?"
"Can you give me my dinner? and a bucket of beers, please?"
"Yes Miss Kate,"
"Okay, thank you"
Pagkatapos noong tawag ay lumabas ako sa veranda at tinanaw ang ganda ng tagaytay at sa di kalayuan ay ang mga ilaw na nagmumula sa syudad.
Ilang sandali'ng paghihintay ay dumating na ang pagkain at beer.
Nang makaupo sa bakal na upuan ay inilabas ko ang phone ko at saka sumubo ng isa bago binuksan iyon.
Wala ng tumatawag.
"Where the hell are you?"
"Ano? Libing na ba next week?"
"Kate, let's talk, please."
"Kate! Please go home, we missed you already"
"Don't mind what mommy and daddy tell, please, Kate!"
"Nag-aalala na kami sayo"
"Hi! Papasok ka ba daw bukas sabi ni Lianne? hehe"Ilan lamang yan sa mahigit apat na daan na nabasa ko. Tsk.
Kung kailan wala na, tsaka hahanapin.
Pagkatapos kumain ay nagbukas na ako ng beer at naisip ang nangyari kahapon bago ako dalhin sa hospital.
Flashback<<<<
Shit!
Dahil sa pag-iisip ko kanina ay tinanghali ako ng gising!
Nagmadali ako'ng maligo at nag-ayos ng gamit. Hindi na rin ako nakakain sa pagmamadali.
Pinaandar ko agad ang sasakyan, pagkabas ko ng village ay may nabunggo ako.
Hindi ko agad iyon nakita dahil sa pagmamadali kong lumiko kaso hindi ko naman sila mababangga kung hindi rin sila nakatigil doon.
"Hoy! Isa ka pa! Nabangga mo ang bago naming sasakyan!" sigaw ng lalaki sa akin.
Tinapik tapik niya pa ang sasakyan ko.
"Bumaba ka dyan!"
Walang gana akong bumaba at nakipagtitigan sa kanya.
Mukhang may nauna ng makabangga sa kanila bago ako. Nakita ko ang matandang babae na kapit kapit ang anak niya na umiiyak.
"Paalisin niyo na sila" sabi ko at tinuro ang mag-ina na hindi kalayuan sa gilid ko.
"At bakit? Kaylangan nilang makulong! Pati ikaw!"
Naglabas ako ng wallet at kumuha ng sampung libo.
"Oh"
"Aba! Kulang iyan! Paano ung sa kanila?" turo niya sa mag-ina na natatakot na dahil pinapaligiran ng apat na lalaki.
YOU ARE READING
The Masters Love
Teen FictionKate Azalea, 17 taong gulang. Lumaki kasama ang pamilya. Pero wala man lang buo'ng pagmamahal na natanggap mula sa pamilya. A girl whose very mysterious will rise. She will taught herself how to fight even if blood floods. Kayanin kaya niya? Kayani...