WARNING! Contains foul words.
Lianne's POV
"Hoy! Ano na namang ginawa mo kay Kate ha?!" sigaw ko kay Carmela.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa canteen kung nasaan si Carmela ay tinulak tulak ko na agad siya. Nakakainit ng ulo ang ginawa niya lalo't alam kong lalaban na si Kate ngayon kung apihin na siya nito dahil sa mga kwento'ng narinig.
"Ano namang pakealam mo ha? Pakielamera ka talaga!" sigaw niya din sa akin.
"Ha! Pakielamera talaga ako! Ano? Masarap ba?" sabi ko at ingunudngod din siya sa lamesa gaya ng kwento ni Ella.
"Ano ba!" sigaw niya.
"Sige namnamin mo! Talagang namimihasa kana eh noh? Wag kang iiyak pag dinale ka non ha? Wag na wag tanga!" sabi ko at saka siya binuhusan ng malamig na tubig.
"Alam kong hindi ganto ang trip ni Kate, pero eto ang trip ko, oh ayan lasapin mo! Baka sa susunod sariling dugo mo na 'yang kinakain mo." sabi ko pa sa kanya saka siya iniwan don sa canteen.
Nakakastress! Umagang-umaga.
Pumasok na lang ako sa room at nagsimula na rin naman ang klase. At mabilis lang lumipas ang oras.
Lunch time..
"Canteen lang ko." paalam ni Ella sa amin.
Hindi na rin kami sumama nila Kiko at Bea dahil maraming gagawin at may quiz pa mamaya.
"Lianne! Si Ellaaa!!!" napatayo ako sa sigaw na narinig ko at ganoon din sila Kiko at Bea.
"Nasaan!" sigaw ko ng makalabas ng room.
"Sa canteen!"
Dali dali akong bumaba at pumunta sa canteen. Madami akong nabunggo pero wala na akong pakealam doon. Habang ang iba naman ay pinapadaan na ako na parang alam na nga ang nangyayari.
"Ellaa!!" sigaw ko ng makarating doon.
Nakita ko na lang ang kumpulan ng tao at pinagtutulungang buhatin si Ella. At nakita ko naman si Carmela na nanginginig sa ginawa niya sa pinsan.
Hindi ko na muna siya pinansin at lumapit kay Ella.
"Ella. Ella" tawag ko kay Ella, ngunit bigla na siyang nawalan ng malay.
"Kami na diyan."
Binuhat nila Eion at kuya si Ella at dinala na nga siya sa hospital. Habang ako naman ay nangangalaiting tumingin kay Carmela ngunit wala na siya sa kinatatayuan niya, nakita ko na lang siyang tumakbo papalabas ng canteen.
"Lianne, huminahon ka" sabi ni Bea sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin at sinundan si Carmela na nasa field na at hindi alam kung saan pupunta.
Nakatalikod siya sa amin kaya hindi niya napansin ang paglapit namin sa kanya. Mabilis ko siyang iniharap sa akin at..
*PAK*
"Pati si Ella ha? Si Ellaine Taliyah LOPEZ?"
*PAK*
Sinampal ko ulit siya at tila maiiyak na siya at hindi makasagot.
"Ano ngang sinabi mo sa akin noon? Pati kaibigan ko dinadarag ko? Eh tangina mo pinsan mo nga 'yon eh!" sigaw ko pa sa kanya.
"H-hindi ko sinasadya" nanginginig na sabi niya pa.
"Ano nga bang ginawa mo at nagkaganon ha?" maangas na tanong ko pa.
"N-naitulak k-ko lang siya"
YOU ARE READING
The Masters Love
Teen FictionKate Azalea, 17 taong gulang. Lumaki kasama ang pamilya. Pero wala man lang buo'ng pagmamahal na natanggap mula sa pamilya. A girl whose very mysterious will rise. She will taught herself how to fight even if blood floods. Kayanin kaya niya? Kayani...