Chapter 26

143 0 0
                                    

Kate's POV

"Nakipag-away ka Kate?!" hindi makapaniwalang tanong ni kuya ng makarating ako sa hospital.

Uwian na at dito na ako dumiretso, pagkatapos ng away namin ni Carmela kanina hindi ko na rin naman siya nakita. Pasalamat siya at hindi na nag krus ang landas namin baka nagupit ko pati uniform niya.

"Siya ang nauna." sabi ko na lang.

"Doc, kamusta na siya?" agad na tanong ni Chase ng lumabas ang doctor sa room ni Lianne para icheck.

"Ayos na siya, hindi pa siya gumigising kailangan niya pang magpahinga." sabi ng doctor.

"Thank God, Thank you Doc."

Umalis na rin ang doctor at pumasok naman kami.

"Ano kaya ang gagawin niya kay Carmela pag nagising na siya?" tanong ni Nicholas.

Nandito si kuya, Chase, Nicholas, Charles, Harry, at ang dalawang pinsan nilang lalaki. Ayoko sanang dumalaw ng malaman kong madami sila dito. Kaso pinigilan ako ni kuya.

"Hindi dapat 'yan ang tanong, dapat, ang tanong major o minor." natatawang sabi ni Pierre.

Kanina ay nagpakilala sila sa akin kaya naman nalaman ko. May tatlo pa daw silang pinsan na magkakapatid na paniguradong nakita ko noong kinidnap kuno si Ella.

"Major o minor injury? Haha sira ka" natatawang sabi din ni Sydney.

"Baka savage? HAHAHAHAH" dagdag pa ni kuya at nagtawanan sila. Ba't ba puro lalaki kasama ko?

"Balita ko kay Natalie, ginupit mo daw buhok ni Carmela?" baling sa akin ni Nicholas.

"Y-you did what, Kate?" hindi makapaniwalang tanong ni Harry.

"Ginupit ko ang buhok niya, buti nga hindi 'yung dila niya eh, baka bukas nalang." tamad kong sabi saka tumingin kay Lianne na mahimbing na natutulog.

"Kate! Hindi mo na dapat ginawa 'yon! Baka balikan ka non, kilala mo naman ang pamilya nila." sabi ni Kuya.

"Balikan niya ako kung gusto niya, hindi ko siya aatrasan, baka siya pa ang balikan ko? Tss."

"Woah, you really did change a lot Kate, ilang linggo lang ang nakalipas." manghang sabi ni Charles.

Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin sa labas. Mainit at sikat pa ang araw, nakakatamad lumabas pero ayoko silang kasama. Wala rin naman gaanong pinag-uusapan, nakakailang ang tahimik at parang pinaglalamayan na si Lianne, paniguradong magsisigaw iyon kapag nalaman niyang ganito ang ginagawa namin.

"Labas lang ako." paalam ko.

Hindi ko na sila hinintay sumagot at pumunta sa smoking area.

Inilabas ko ang sigarilyo saka nagsindi at humithit. Ngayon lang naman ako natutong manigarilyo, kaya lang ay naadik ako at minaya't maya na. Pero paminsan minsan ay hindi maganda ang pakiramdam ko, kaya gusto ko itigil at mag vape na lang.

"Grabe 'yong ginawa mo kay Carmela. Iyak siya ng iyak pagkatapos ng ginawa mo at parang na-trauma pa." nagulat ako sa nagsalita sa gilid ko pero hindi ko pinakita.

Humithit muna ulit ako saka nagsalita.

"Kulang pa iyon Ella, alam mo 'yan."

"Bukas ay pupunta sila tito sa school at kakausapin ka." patungkol niya panigurado sa parents ni Carmela.

"Okay."

Saglit pa kaming nanahimik at nakatingin lang sa magandang tanawin. May bubong naman kaya hindi mainit sa parteng ito ng hospital. Dalawa lang din kaming nandito at hindi ko alam kung paano niya ako nasundan dito.

The Masters LoveWhere stories live. Discover now