Warning!!! Contains foul words.
Lianne's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw at lunes na naman. Kaya lang ay suspended ako kaya nasa bahay at hindi pa alam ang plano ko ngayon.
Nang makauwi ako sa bahay noong sabado ay maraming nangyari. Nabugbog si Natalie at Allen. Hindi ko alam pero may kutob ako na iniisa isa kami ng kung sinong nasa likod nito. Malamang ay iisa lang ang nasa likod nito at kilalang kilala kami.
Maaga pa at pumasok na si kuya. Hindi ko naman alam kung natatakot ba siya sa mga nangyayari. Kailangan ko rin naman siyang protektahan bilang kapatid.
"What now?" bulong ko pa sa sarili ko habang pabalik balik na naglalakad dito sa kwarto ko.
*BZZT* *BZZTT*
From: Leilei
Miss Lianne. Need your help. Magkita tayo mamaya sa condo ko sa tagaytay. Take care couz! Mwaps! :*
Kinabahan naman ako sa sinabi ni Erin. Need help? This is the first time, she needs my help. Mabuting kapatid at ate si Erin. Palagi niyang ipinagtatanggol ang kambal na kapatid. Masasabing ulirang kapatid 'yon dahil sa sakripisyo niya sa kambal tuwing may laban.
I've been idolizing her for her braveness since we were kids. Wala siyang ibang iniisip kundi ang kapakanan ng pamilya niya. Kaya pinagsikapan niyang makapag ensayo ng mabuti para makuha niya ang tekniks lahat sa pakikipaglaban.
Dahil sa sinabi ni Erin ay naligo na ako saka nag almusal sa baba. Maaga pa at hindi naman gaano maaraw kaya naisipan kong mag jogging. Kahit papaano ay maarawan dahil ilang araw din ako sa hospital. Maayos na ang pakiramdam ko, ayos na rin para makapag jogging.
"Jogging lang po hehe" paalam ko pa kay manang habang nag ja-jog.
"Mag-ingat ka!"
"Opo!"
Lumabas na ako at saka nagtatakbo, iniikot ko lamang ang street namin, dahil ayokong mapalayo. Nag-isip isip lang ako ng dahilan kung bakit ako pinapapunta ni Erin sa condo niya. Ibig sabihin ay may kailangan talaga siya na pansarili niya. Dahil kung para sa lahat ito ay sa office niya ako dapat papuntahin.
Saglit akong natigil sa pag iisip. First day nila sa SIS! Ano naman kaya ang nangyayari sa kanila ngayon?
Waaaahhhhh! Gusto ko pumasok!
Umuwi na ako sa bahay dahil masyado ng umiinit at sumasakit ang ulo ko. Pagpasok ko sa bahay ay tahimik. Sobrang tahimik nakakabingi.
"WHYY DO YOU BUILD MEE UPP!!"
Pagkatapos ko isigaw ang kantang iyon ay nakarinig ako ng kalansing ng mga kaldero sa kusina. May tao pala?
"Sino iyan?! Mamatay sa takot, ang gulaat!!" sigaw ni manang.
Dali dali na akong pumasok sa kwarto ko habang humahahikgik.
Umupo ako sa kama at nag isip isip ng magandang gawin.
*KRINGG* *KRINGG*
"Syd?"
Itinapat ko sa tenga ang cellphone pero wala akong narinig kung hindi hininga niya lamang. Tinignan ko ulit ang phone at bigla na lamang namatay ang tawag.
To: Syyyyyyd
You okay bes? Call me again.
Nag-aalala naman ako sa ikinilos niya. Pero alam ko nasa school siya ngayon. Baka naclick lang.
Hindi na ulit siya tumawag. Baka nga napindot lang.
Chase's POV
"Kalungkoooot! Wala si Lianne!"
YOU ARE READING
The Masters Love
Teen FictionKate Azalea, 17 taong gulang. Lumaki kasama ang pamilya. Pero wala man lang buo'ng pagmamahal na natanggap mula sa pamilya. A girl whose very mysterious will rise. She will taught herself how to fight even if blood floods. Kayanin kaya niya? Kayani...