Chapter 8

80 0 0
                                    


Chase's POV

"Isang sorry lang.."
"Ang t-tanga tanga, self"

Nandito ako sa likod niya sinusundan siya sa paglalakad. Bumubulong bulong siya, sabay lalagok sa iniinom na alak. Kahit nasa likod ay naaamoy na ang alak sa kanya.

Nakatali ang kanyang buhok, kulay white ang damit niya na crop top, napansin ko naman ang dalawang butterfly na tattoo sa likod ng braso niya, gabi na pero kita iyon dahil nagniningning, at maiksing black na short, napaiwas ako ng tingin. Hindi ba siya nilalamig?

Kung kay Lianne ay hindi pwede sa akin ang ganyang pananamit.

Napatigil ako nang huminto din siya.

"Bakit mo ba ako sinusundan?" nagsalita siya pero nakatalikod parin sa akin.

Ako ba kausap niya?

"Oo, ikaw ang kausap ko"

WtF! Dahan dahan siya'ng humarap sa akin. Namamaga ang kanyang mata, tila pagod na.

Napakaganda niya. Para saakin, kaming dalawa lang ang tao dito, ang mga ilaw na madilaw ay nasa repleksyon ng gilid ng aking mga mata, ang hampas ng alon sa aking mga tainga, at ang makita siya sa harapan ko ay masarap sa pakiramdam.

Ngayon niya lang ako kinausap, mukhang mananakit pa.

"Wa-wala, napadaan lang"

"Napadaan? Sa likod ko? Stupid"

Sabi niya at tumalikod ulit sa akin, at pagewang gewang na naglakad.

"Kuya! Gigil na ako sayo ha!"

Napalingon ako kay Lianne na papunta na dito.

"Hoy! Kanina mo pa ako sinisigawan ha! Wala ka ng galang!"

"Sabi ko puntahan mo at baka mamatay! Anong itinatayo tayo mo dyan at panay ang sunod mo!"

"Wag kang maingay!"

"Hindi! Masyado kang naiinlove sa babae--"

"Magtigil ka nga at baka marinig tayo!"

Lumingon pa ako kung nasan si Kate.

"Nasan na!"

Tumakbo ako ng makita ko siya'ng papasok na sa Acoustic Bar, ang bilis niya naman maglakad?

Napatigil ako sa pagsunod sa kanya ng harangin siya ng isang lalaki. Pamilyar siya sakin.

"What do you want?"

"You, I want you back Azalea, please"

"I don't want you back, excuse me"

Pinigilan ng lalaki si Kate.

"Bitiwan mo ko"

"No!"

"Bibitiwan mo ko o bibigwasan kita?" malamig na sabi ni Kate sa lalaki.

Binitawan siya ng lalaki at lumabas na doon sa bar, naglakad ulit si Kate papunta sa dagat, nasa gitna palang ng paglalakad ay mabilis na humarang ulit ang lalaki. Kami naman ni Lianne ay nakatanaw sa kanila na tila nanonood ng shooting.

"Bibigwasan? Of all years na nagsama tayo, ngayon mo lang ako sinabihan ng ganyan!" nagtataas na ang boses ng lalaki.

"Anong masama doon?" inosenteng tanong ni Kate.

"A-anong? Masama don? Ngayon ka lang mananakit, saan ka natuto niyan ha?!"

"Masama ba ang manakit?" inosenteng tanong ulit ni Kate.

The Masters LoveWhere stories live. Discover now