Lianne's POV
"Pinasundan ko lang talaga kay kuya si Kate kasi akala ko magpapakamatay na siya! Akalain mo naglalakad sa dalampasigan tapos may dalang bote ng alak!"
Nandito na kami sa canteen at habang nakain ay nagkekwento ako. Madalas sabay kami ni kuya mag lunch pero dahil may kinekwento ako pinasabay ko muna siya kila eion at allen.
Kinwento ko na ang lahat ng nangyari kagabi.
"Grabe! Umiyak talaga siya?!" takang tanong ni Ella.
"Oo! Nung pre-pageant pa lang pagkatapos niya magperform umiyak na siya non!" kwento ko pa.
"Talaga?! First time 'yun ah!" si bea naman.
"Tsk, tao rin naman siya, siguro napuno lang siya" malungkot na sabi ni Kiko.
Hindi kasi naiyak si Kate dito sa school, kahit anong pambubully o ano man hindi siya naiyak. Pinababayaan at nagtitimpi nalang siya. Buti mahaba pasensya niya!
"Yayain kaya natin siya minsan mag lunch?" tanong naman ni Ella.
Isa si Ella na gustong gusto maging kaibigan si Kate, nakakatakot lang talaga si Kate dahil wala siyang ekspresyon. Parang walang kulay ang buhay.
"Sa tingin mo, papayag 'yon?" tanong ko.
Uminom muna ng tubig si Kiko tsaka naningkit ang mata sakin.
"Oo naman!"
"Excited na ako sa Pageant! Sayang at hindi natuloy ang pag-guguest ng Mariano Boys! Kinulang din kasi sa oras!" mga babae sa kabilang table.
"Oo nga noh! Hindi sila natuloy!" si Ella.
Napatingin naman kami kay Kiko, kasi emcee siya noon.
"Kinulang nga sa oras, pero hindi yata talaga 'yun ang dahilan, narinig ko na nag back out sila at sa mismong pageant nalang daw" paliwanag niya.
"Siguro dahil sa nangyari sakanila Kate"
Pagkatapos mag lunch bumalik narin kami sa klase.
Ken's POV
"Mom! Sumosobra na kayo!"
"Ken,"
"What now, Mom? Are you out of your mind?"
*PAK*
She slapped me.
"Hindi ko kayo maintindihan, bakit kaylangan niyo'ng gawin sa kanya 'to. Alam niyo, si Chase, he never treated like this. Like Kate." hindi nila alam na kilala na namin si Chase.
"W-what did you s-say?" gulat na tanong ni mommy.
"Yes. Kilala na namin si Chase, the Master Prince. He knew that he is the Prince. A month ago," paliwanag ko pa.
"W-what?"
"Nagalit siya, nagulo rin ang buhay niya. Pero ngayon? Okay na siya. Kasi alam niyang si Kate ang princess! Kasi tanggap niya at naintindihan niya kung anong pamilya ang meron siya. Sa tingin ko maiintindihan rin naman ni Kate kung anong klase'ng tao siya eh. Kayo lang talaga 'tong nagpapalabo."
"Mom, please be good to her. Ano bang ikinagagalit niyo sa kanya?!" dagdag ko pa.
"Hindi ko alam kung paano siya ulit pakikisamahan, n-natatakot ako na baka hindi na magulang ang tingin niya saamin" maluha-luhang sagot ni mommy.
Mulang pitong taon ni Kate, hindi na siya pinakisamahan nila Dad ng maganda. Natakot na sila. Natakot!
Si daddy ay nakikinig lang sa amin.
YOU ARE READING
The Masters Love
Teen FictionKate Azalea, 17 taong gulang. Lumaki kasama ang pamilya. Pero wala man lang buo'ng pagmamahal na natanggap mula sa pamilya. A girl whose very mysterious will rise. She will taught herself how to fight even if blood floods. Kayanin kaya niya? Kayani...