Chapter 20

159 0 0
                                    

Lianne's POV

Pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa akin ay naging normal na rin ang lahat. Hindi na bukang bibig ni kuya si Kate.

Nakalipas na ang isang linggo at tahimik na ang mga buhay namin. Habang si Kate ay hindi pa rin pumapasok. Inutusan ang mga tauhan na kapag pumasok si Kate sa Self defense school ay papuntahin sa branch ng organisasyon namin para doon matuto. Pero hindi naman namin inaasahan na papatayin niya ang sarili niya para matuto at hindi na pumasok.

Binibigyan daw siya ng oras ng mga nagtuturo sa kanya, para makapag-aral, ngunit mga ilang oras lang din ang makakalipas ay nag-eensayo na ulit ito.

Si kuya, at mga batang Mariano lang ang walang alam sa plano'ng iyon. Hindi na rin galing sa Queens and Kings, kundi galing na talaga sa MASTERS.

Ako naman ay hindi na palagi kay Kate ang paningin hindi katulad noon. Ang binabantayan ko na ngayon ay ang mga kaibigan ko at kaibigan ni kuya dahil mga bago lang sila.

Ngayon ay lunes na naman at sa susunod na linggo na ang JS Prom namin. Excited na ang lahat dahil makakasuot na naman ng magagandang gowns at coat and tie. Excited din ang mga babae kung sino ang kanilang magiging date sa gabi'ng iyon.

"Lianne" tawag sa akin ni Ella.

Nandito kasi kami sa canteen dahil breaktime pa.

"Oh?"

"Paano kung malaman nila Shineah?" patungkol niya sa pinsan niya. 'Yun ung babaeng nakita kong kasama ni Charles sa coffee shop noon. At sila rin ang may ari ng school na'to, sila Ella naman ay may kaunting share rin dito, kapatid ni Shineah, si Carmela.

"Edi malaman niya. Kapag nagpakalat siya ng hindi magandang salita o ano man tungkol sa organisasyon ay paparusahan siya at ipadadala sa Spain." paliwanag ko sa kanya.

Tanging pamilya lang kasi ni Ella talaga ang sumali doon. Hindi ko alam kung may balak sumali ang ibang angkan niya.

Kilala ang mga Lopez, Bautista, Tolentino, Naval, Ramos at marami pang iba. Ang mga magulang ng mga kaibigan ko at ni kuya ay nabibilang sa Master Maids, o nagpapasok ng pera sa organisasyon, mayroon silang iba't ibang business at doon sila sa Self Defense school nagkapare-pareho. Silang mga anak naman ay awtomatikong Master Elites, at gusto rin naman nila iyon dahil astig raw. Pero ipinaliwanag ko sa kanila na maaaring matawag na astig pero kailangan magseryoso at wag puro paastig at kayabangan lang ang ipapasok sa organisasyon, kung hindi ay wala siyang karapatan sumali sa amin.

"Kamusta ang pag-eensayo niyo?" tanong ko sa kanilang lima.

Simula kasi noon ay sabay sabay na kami laging kumakain dito sa canteen.

"Ayos naman. Mahirap ang pinapagawa pero may motivation ako." si Ella.

"Oks lang din, kering-keri ng muscles ni bakla!" si kiko. Natawa naman kami sa sinabi niya.

"Masaya kasi alam kong pagdating ng panahon magagamit ko rin ito." si Bea.

Tumingin naman ako doon sa dalawang lalaki. Nag-okay sign lang sila at tila bagot na bagot na makasama kami. Wala kasi si kuya.

"Ay cold?" si kiko.

"Wala si Chase eh" sabi ni Allen at nilalaro laro pa ang pasta niya.

"Wag mong laruin ang pagkain mo." nagulat naman kami sa saway ni Eion sa kanya.

"Ay sorry Dad." natawa kami sa sinagot ni Allen.

"Tsk"

Tinignan ko lang si Eion pagkatapos non. Hindi kasi kami close niyan, si Allen ay nakikipagbiruan sa amin minsan hindi katulad niyang si Eion na hindi kami pinapansin, pa-mysterious effect?

The Masters LoveWhere stories live. Discover now