Chapter 32

110 0 0
                                    

Kate's POV

Sinuntok ko ang lalaki sa mukha saka ulit sinipa sa tiyan. Hindi pa ako nakakalayo pauwi sa hotel nang may humarang na agad sa akin.

Magaling ang timing nila at hindi matao sa lugar na ito at wala nang gaanong dumadaang sasakyan. Kung may makakakita man ay mukha lang kaming magtropa'ng nagkita sa daan, sa laki ng kalsada na 'to.

Napaupo naman ako ng may sumipa sa akin galing sa likod. Pinatayo ako ng lalaki saka sinuntok sa tiyan at sa lakas noon ay napadura ako ng dugo. Tumitig ako sa mata niya at hindi sumuko. Susuntukin ko siya ng makailag siya at ako ang nasuntok niya sa mukha. Akmang susuntukin na naman ako ng magsalita ako.

"Ano bang kailangan n-niyo sa akin?"

"Natalie Mariano at Nicholas Mariano ang pakay namin, kaya lang ay humarang ka sa daan, at sinalo ang dapat sa kanila, sino ka ba ha?" dire-diretsong sabi ng lalaki. Sayang at hindi ko sila makita dahil mga nakamask at nakasuot sila ng itim.

"Hindi mo ako kilala?" mapang asar na sabi ko.

"Hindi, sino ka ba? Si wonderwoman?" sabi niya at nagtawanan ang mga kasama niya na higit lima lang naman.

"Hinde, si kamatayan."

"Kamatayan? Kamatayan, kamusta!" tuwang tuwang sabi niya pa at ayon na naman ang tawanan nila.

Mabilis akong tumayo saka siya malakas na sinipa at napahiga naman siya. Nagulat sila sa ginawa kong pagsugod kaya hindi nakalapit ang iba. Tumalon ako sa tiyan niya para maabot ang ibang kasama saka din ito pinag susuntok sa mukha na ngayon ay nagduduguan na ang ilong.

Mabilis kong kinuha ang lubid sa motor ko at pinagtatali silang lahat. Hindi na sila makapalag dahil na rin sa hilo at sa lakas ng mga suntok ko. Kaya ngayon ay nagmistula silang maglalaro ng dr. kwakwak.

"Gusto mo ba sumama kay Kamatayan?" tapik ko pa sa lalaki.

"H-hindi! Pakawalan mo kami!" nagpumiglas pa siya ng nagpumiglas hanggang sa mapagod at wala ng magawa.

"Sabihin niyo sa boss niyo, hinahanap ko siya," lumapit ako sa lalaki saka bumulong, "hinahanap siya ni Kamatayan."

Ngumisi ako sa kanya saka sila iniwan doon. Pagkauwi ko ay uminom agad ako ng tubig at saka pabagsak na inihiga ang sarili sa sofa.

Nabangasan na naman! Pero mabuti na lang at nandoon ako sa likod nila Natalie at hindi na sila napahamak pa. Ginamot ko na ang sarili at kitang kita na naman na nakipag basag ulo ako.

Naligo ako at nagsuot ng black long sleeve see through dress and a black tube inner. Natakpan man ang sa braso na sugat ay kita pa din ang nasa noo na band aid. Nagsuot din ako ng black stilleto heals with ankle strap. Fuck, mag didinner lang ako, ba't ito ang naisipan kong damit.

Wala na akong nagawa at ayoko na rin namang magpalit dahil inaantok na din ako. Kakain lang ako at iinom ng kaunti para pagbalik ay makatulog na agad.

"Ms. Kate, ayos lang po ba kayo? Anong nangyari na naman?" napangiti ako sa tanong ng crew dito sa pinasukan kong restaurant sa baba.

"Wala 'to." nginitian ko na lang siya.

Ilang sandali pa ay dumating na din ang order ko at kumain na. Sa kalagitnaan ng pag kain ko ay may dumating na crew at sinalinan ang wine glass ko ng champagne, nakapagtataka din na nilagyan niya ang isa pang baso at inayos din ang mga plato sa mga harap ko.

"Excuse me?" hindi niya ako pinansin.

Nagpatuloy lang siya sa ginagawa niyang pag-aayos sa mga kubyertos sa harap ko, pinalitan niya din ang bulaklak sa gitna ng rose. Hindi na ako mapakali kung may gagamit ba ng upuan na inuupuan ko, lilipat na ba ako?

The Masters LoveWhere stories live. Discover now