Chapter 34

72 0 0
                                    

Kate's POV

"Kate! Na-move 'yung prom, next week! Ang problema may mga long tests ngayong week, pinayagan na rin tayo'ng pumasok, pero sa araw ng Prom hindi tayo makakadalo." balita ni Lianne sa akin.

"Sige, wala namang problema kung pagbawalan nila tayo sa Prom eh, walang makapipigil sa'tin." sabi ko saka tumawa ng pang demonyo.

"Baliw ka, pahingi nga!" sabi niya sabay kuha ng stick-o sa lamesa ko.

"Palitan mo 'yan ha," sabi ko nalang saka nag focus ulit sa laptop. Nandito nga pala ulit ako sa stock room, o Kate's room, dahil akin na 'to wahahhahahah walang makapipigil sakin, remember?

"Oo na, ano na naman bang tinatrabaho mo dyan? Gusto mo ba magpalagay na ako ng kama at ref dito, hindi ka na umuuwi, isang araw ka na dito ah," sabi niya sabay kain ulit.

Pagkatapos noong usapan namin sa kabilang kwarto ng mga tauhan ni Carmela, dito na agad ako dumiretso noon para mag trabaho ng kung ano. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng isang malaking obligasyon sa mga taong 'yon, at hindi biro ang gagastusin ko.

"Hindi mo ba maalala, 'yung pinag-usapan natin kahapon?"

"Oo nga pala ano, gusto mo tulungan kita?" alok niya.

"Hindi na, hindi ka ba papasok?" tanong ko.

"Bukas na, tinatamad ako."

"Thursday na bukas ah."

"Ano naman?"

"Tss."

Wala talagang kwenta kausap 'to. Anyways, pinagpatuloy ko ang pag manage ng coffee shop, konting kembot na lang at mapapasaakin na ang coffee shop na 'to, kailangan lang ng konting pawis pa kaya talaga masyadong tutok ako dito. Pag nagkataon na mabili ko ito, maaaring makapagtayo pa ako ng ilang branch sa iba't-ibang lugar sa CALABARZON.

"Hinahanap ka nga pala ni kuya kanina, nakalimutan ko sabihin sayo, sabay daw kayo mag lunch, alam niyang nasa school ka pero hindi dito." biglang sabi niya.

"Sinabi mo?" kunoot noong tanong ko.

"Hindi, may nakakita sa'yo isang beses, malamang mumalat agad 'yon at nakarating sa kanya."

"Sabihin mo, ayoko." sabi ko at itinuon ulit ang pansin sa laptop.

"Mag lunch kayo!" nagulat ako ng sumigaw siya at napatayo pa.

"Ayoko."

"Bakit ba ayaw mo?!"

"Ayoko! Busog ako!"

"Hindi ka busog! Saan ka nabusog, sa stick-o?!" aba at!

"Basta busog ako sabihin mo,"

Simula nung ligawan ako ni Chase, panay na ang buntot niya sa akin. Gusto niya lagi kaming magkasama na parang mag boyfriend na kami. Hindi ko alam kung tama bang pinayagan ko siyang manligaw, ngayon ko lang napagtanto ang mga obligasyon ko.

*KRINGG* *KRINGG*  Sinagot ko naman agad ng hindi tinitignan kung sino iyon.

"BUSOG AKO! KUMAIN KA MAG-ISA MO!"

"S-sige, b-busog ka? Busog ka! Hehe." unregistered ang number pero alam kong si Allen iyon.

"Sorry, bakit ka tumawag?" napalingon naman ako kay Lianne na humahagikgik.

"Hinahanap ka kasi ni Chase, lunch na daw kayo, punta ka daw sa canteen hehe."

"Sabihin mo busog ako."

"Dre, busog daw siya...Pilitin mo!..Uhm Kate, kakain na hehe tara na dito!"

"Hays."

Alam kong hindi nila ako titigilan kaya wala na akong nagawa kung hindi bumaba na lang kasama ang magaling na si Lianne, dala dala pa rin ang stick-o ko. Hay buhay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Masters LoveWhere stories live. Discover now