Chapter 2

123 0 0
                                    


Kate's POV

"I'm Kate Azalea Mariano" sabi ko sakanya, saglit siyang natigilan sa pagsubo ng donut ng marinig ang pangalan ko. May binulong siya pero hindi ko naintindihan.

"Anong sinabi mo?" tanong ko sakanya.

"Wala" sabi niya at saka tumingin sa swimming pool. Nakaharap kasi kami sa swimming pool ngayon.

"Kate?" dinig kong tawag ni Charles, pinsan ko. Ang kapatid niya ay sila Harry at Natalie. Iyong kagabi naman na magkapatid ay si Elizabeth at Caleb. Ang dalawa pa na magkapatid ay si Nicholas at Cindy.

Si Harry ay 20yrs old, 3rd year college engineering. Si Charles naman ay 19yrs old, pero 3rd year college, architect naman siya. Si Natalie ang bunso,17 yrs old, 4th year high school, section 3 out of 5.

Si Caleb naman 20yrs old, 3rd year college kasama si Charles. Si Eli naman,17yrs old ay 4th year high school, section 5.

Si Cindy naman 22yrs old, 4th year college na siya, Accountancy ang kurso at sa susunod na taon na ga-graduate. Siya rin ang babae kong pinsan na matino. Si Nicholas naman ay ang pinaka kulelat sa lahat, 17 yrs old, 4th year high school section 5.

At kami ng kuya ko, si kuya Ken Azrael Mariano, 20 yrs old, Kasama niya si Charles sa engineering. At ako Kate Azalea Mariano, 17yrs old, 4th year high school, section 1.

"Uhm a friend." kunwari lang iyon na sabi ko. Ayoko ng kaibigan.

"Fannie Lianne Garcia" pakilala ni Lianne sa kanya.

"Ahh nice meeting you. May kaibigan na pala itong si Kate namin?" nakangiting sabi pa ni Charles at nilagay ang kamay sa bulsa.

"Hindi kami magkaibigan" seryosong sabi ni Lianne. Nagulat ako sa inasta niya. Pagkatapos niyang makikain dito!

"Kase bestfriends kamiiii!" masayang sabi niya pa. Tss.

"Ahh ha ha Fannie ka nga" sabi ni Charles.

"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Charles.

"Wala naman, sige una na ko, Fannie" sabi niya tsaka kumaway.

"Mauna na din ako Kate" sabi niya sa akin tsaka tumayo.

"Sige" tumayo na din ako at naglakad nang hindi ko maramdamang nakasunod siya sa akin ay tinignan ko siya.

Ibinubulsa nya ang mga donut na tira.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sakanya.

"Masarap ang donut niyo dito eh hehhhehehehehehhehehehe"

Hinayaan ko siyang kunin ang mga iyon tsaka hinatid sa gate buti hindi namin nakasalumuha ang mga pinsan kong babae. Ayoko silang makita na may kasama ako.

"Salamat sa donut ha hehe" sabi niya sa akin.

"Sige umuwi kana magkita nalang tayo sa school" sabi ko.

"Huh? Magkikita pa tayo? Kung pwede dalhan mo ulit ako ng donut?" sabi niya pa.

"Ano bang meron sa donut namin at gustong gusto mo ha?" masungit kong sabi sa kanya.

"Masarap ngaaaa! Nako dyan kana nga! Bye!" sabi niya at umalis na.

Nagalit kaya siya? Tsk, Donut girl. Pumasok na ako sa loob at natulog na lang.

Lianne's POV

Umalis na ako doon at dumiretso sa bahay. Napakasungit at napakaarte ng babae'ng iyon! Tss kung alam niya lang kung sino talaga siya hays.

Akala ko naman ilalaglag ako ng Charles na yon!

Shockks! Nakalimutan kong kunin ang number niya! Lagot ako kay kuya nito! Sa lunes kukunin ko. Hala pre-pageant na pala sa lunes. Waaahhh ang dami kong problema. pero walang wala naman 'to sa problema niya.

The Masters LoveWhere stories live. Discover now