Kate's POV"We'll going to have our speech! This is your project for the last grading, anyways congrats sainyo at makaka-graduate na kayo!" nakangiting sabi saamin ng teacher.
English time, at pagkatapos nito recess time na.
"YESSSS!!"
"YUNG ISA DYAN MAAM HINDE!!
"HOY GAGRADUATE AKO!!"
"MAAM PROM MUNAA!"
"OO NGA MAAMM!""Hahahaha okay prom muna! Okay quiet na, so as I was saying, you'll going to make your own speech, kayo ang bahala kung anong klaseng speech, at ipepresent niyo sa akin two weeks before graduation, okay?"
"Okaayy maam!!"
"Okay, you may take your break" sabi niya at umalis na.
30 minutes ang break time namin, pag lunch naman 45 minutes. Kaya ang uwian namin ay 2:45pm. Pero ako mga 6 na nakakauwi dahil may choir at dancetroupe ako.
Hindi ko alam kung pupunta pa ako sa canteen o matutulog nalang dito room. Halos isang oras lang kasi ang tulog ko.
Naalala ko ang nangyari kagabi, nawala ako sa katinuan at kung ano anong pinagsasabi. Naalala ko pa naman ang mga sinabi ko at wala akong pinagsisihan sa mga 'yon.
Hindi muna ako umuwi pagkatapos noon dahil pumunta ako'ng tagaytay. Mga 1hr drive lang naman kaya pinatos ko na kahit hatinggabi.
Hindi alam nila kuya na napunta ako doon. May tinatambayan ako'ng coffee shop doon at ang tanawin ay nakakapagpagaan ng pakiramdam.
Pupunta na lang ako'ng canteen ngayon at bibili ng kape para magising. Nababangag ako.
Naglakad ako pababa ng hagdan at ito ang kinaiinis ko, nasa 4th floor ako at bago ako makababa marami akong makakasalubong na tao. Nababadtrip ako pag nakikitang tinitignan nila ako.
Ligtas akong nakarating ng canteen, salamat sa diyos.
Marami pa din tao at maingay kaya hindi ako mapapansin. Pumila na ako at iced coffee nalang ang binili dahil mukhang masarap nung nakita ko. Bumili nalang din ako ng sandwich kahit hindi gutom.
Habang nagkekwento ako sainyo readers ay may umagaw ng iced coffee ko at ibinuhos iyon dahan dahan sa akin mula sa ulo, buti nalang hindi hot coffee. Well, Hindi na ito bago.
"Congrats! Pasok ka sa top 8! at ako hinde!" sigaw sa akin ni Carmela, at sa tabi niya ang mga alipores niyang chaka.
Pinagtitinginan nanaman kami ng mga tao. Trending nanaman ang pagiging basang sisiw ko nito!
"Ano, wala ka bang sasabihin?" mataray na sabi niya sa akin.
Gawin ko din kaya 'yung ginawa ko kay Kian kagabi?
"Balita ko ay magkasama kayo ni Chase kagabi? Ha! Pagkatapos ni Kian, si Chase naman?"
Chase? Who's chase?
"Chase?" mahinang tanong ko.
"Chase! Chase Liam Garcia! Kapatid ni Lianne Garcia!" sigaw niya sa mukha ko. Tangin*ng muka yan.
"MyGod ang landi niya talaga"
"Porke nakapasok sa top 8!"
"Grrr, nakakahiya siya!"Pero..wait. Kapatid ni Lianne? 'yun bang kasama niya kagabi? 'yung laging nakasunod sa akin?
Hindi ko namalayan ang sarili ko na naglalakad na palabas. Hinila ako pabalik ni Carmela sa loob tsaka sinampal. Here we go again.
"WAG MO KO TATALIKURAN PAG KINAKAUSAP KITA!" sigaw niya pa.
Pero nagulat kami ng may dumadaloy na kape rin sa kanya. Nakita ko naman si Lianne sa likod. Hays my saviour, siya nanaman.
"L-lianne" si Carmela.
"Ayoko'ng madadamay ang pangalan ng kuya ko sa away niyo" seryosong sabi niya.
Hindi nakasagot si Carmela at gulat parin nakatingin kay Lianne.
Takot si Carmela kay Lianne dahil kapatid siya ni Chase. Hindi naman sa takot, hindi niya lang nilalabanan. Tsk.
"Naiintindihan mo?"
"O-oo" sagot ni Carmela.
"Okay, good umalis kana naiirita ako sa mukha mo, ang pangit" sabi pa ni Lianne.
"Che! Hindi pa tayo tapos" sabi niya sakin nung dumaan siya sa harap ko paalis.
Hinabol ko pa siya ng tingin. Nagulat ako ng hilahin ako ni Lianne paalis doon.
"Ano ba!" singhal ko sakanya.
Nakarating kami sa CR.
"Ano ba yan, dapat sinampal mo din eh, nadumihan ka nanaman" sabi niya tsaka pinunasan ang ulo ko hanggang uniform.
"Hindi mo na kayla--" pinutol niya ako at napairap naman ako.
"Hindi mo na kaylangan gawin yon, dahil baka madamay at mapahamak ka pa, wag mo na ulit ako'ng tutulungan kaya ko ko ang sarili ko" tuloy tuloy na sabi niya.
Kabisado niya na ang linya ko. Lagi ko sinasabi sa kanya 'yon at wala akong plano'ng itigil ang pagsasabi hanggat hindi siya tumitigil sa pagliligtas sa akin sa katulad ng, masampal sa gitna ng hallway, madapa sa harap ng marami'ng tao, batuhin ng itlog pagpasok, mabuhusan ng malansang tubig sa cr, mabuhusan ng kape o juice sa canteen, mahimatay sa pambabato ng kung ano anong bagay, nakakasawa ng mabuhay.
Lianne's POV
Haysst! Nakakainis na talaga ako sa babae'ng iyon! Hindi man lang marunong magpasalamat tinulungan na nga! Jusq ano pa nga ba!
Umalis na rin siya pagkatapos ko punasan ung kape sakanya. Bahala siya!
Bumalik na din ako sa klase ko pagkatapos noon.
Nakinig lang ako ng nakinig ng nakinig ng nakinig pa ulit.
"Maam! CR lang!" paalam ko kay maam.
Bait yan si maam, close kami niyan eh, madaldal din kasi yan hehe.
Nasa gitna ang room ko, papunta naman sa kanan ang CR at sa dulo non. Dalawang room pa ang dadaanan.
"La la la la la~" parang baliw lang hahahhahahahahahahahhahahha.
Bumalik na din ako sa room pagkatapos mag CR hehe.
Nang may bigla ako'ng naalala, 'yung nangyari kagabi. Hindi 'yung pre-pageant, yung sa resort. Gusto kong maiyak ng sobra non sa totoo lang, ewan ko ba ang babaw ng luha ko. Naaawa ako kay Kate. Deserve niya ba yon? Bakit ba kasi ang sama nila kay Kate? Hindi naman kami naging ganon kay kuya.
"Hays"
"Ms. Garcia!" hala!
"Maam?" shocks! bat nasa labas parin ako ng room!
"Anong tinatayo tayo mo dyan?!"
"Ah eh maam nakakabastos naman ho kung papasok ako agad ng nagtuturo kayo kaya naman--"
"Osya sige na, dinadaan mo nanaman ako sa daldal mo!"
"Hehe t.y maam!"
Pumasok na nga ako sa room at napaharap nanaman sa kin si bakla.
"Chika mo na!" sabi niya pa.
"Mamaya sa lunch time para madaming oras"
Ikekwento ko kasi sakanila kung anong nangyari kagabi sa resort. May kumalat na picture kasi si kuya at si kate na nandon sa dalampasigan kagabi.
Hindi na bago ang mga ganong kumakalat na picture, maraming estudyante dito sa Shia International School, kaya malamang may estudyanteng kumuha ng litrato sa kanila.
Mabilis na lumipas ang oras at 12pm na, lunch na!
"Oh tara na tara na!"
"Chika mo na ha!"
"Nagkaaminan na ba?"
"Ayos na ba ang magpipinsan?!"
"Aba eh bumait na ba?!"
"Alam niyo ang ingay niyo'ng tatlo!" sigaw ko sa tatlo.
"Wow! Sayo pa nanggaling yan ha!" sigaw din nila sakin.
Shut up nalang ako.
>>>>
YOU ARE READING
The Masters Love
Novela JuvenilKate Azalea, 17 taong gulang. Lumaki kasama ang pamilya. Pero wala man lang buo'ng pagmamahal na natanggap mula sa pamilya. A girl whose very mysterious will rise. She will taught herself how to fight even if blood floods. Kayanin kaya niya? Kayani...