Chase's POV
"Hello Lianne? Where are you? Dad and Mom's here. They want to talk to you." seryosong sabi ko sa kanya ng matawagan sa phone.
"I just visit Ella's house, the designer's here, you know for the pageant!" maarteng sabi niya sa akin.
Tinignan ko ang phone kung si Lianne nga ba talaga ang kausap.
"Fine! Come back soon! Mom and Dad's he--"
"Okay okay! Masyado kang beatsmode!!"
"Beast mode 'yon!" sabi ko pa.
"Oo na! Uuwi na ako!" sabi niya saka binaba ang tawag.
Inasar niya pa ako tungkol sa pagkaka wrong type ko na message sa kanya!
"Aga aga nag-sisigawan kayo." sabi ni dad na nagkakape.
"I'm sorry dad. Pabalik na daw po siya" sabi ko saka uminom na lang din ng kape.
"Gatas ang inumin mo, para lumakas ang buto mo" sabi ni mommy.
Tumango lang ako sa kanya. Double meaning ang sinabi niya.
Kadadating lang ulit nila dito, galing silang spain dahil inayos ang gusot ko. Dahil nga nalaman ko ng Master Prince ako.
Simula nang malaman ko ang tungkol sa pamilya namin ay medyo na awkward na ako sa kanila. Nahihiya lang ako dahil ipinilit kong malaman kung anong mayroon sa pamilya namin at ngayong nalaman ko wala naman akong magawa.
Ilang sandali pa ay narinig ko na ang motor ni Lianne sa labas.
"You used your motor? I said use your car!" bungad ko sa kanya.
"Hi Mom! Dad!" what! Hindi niya ako pinansin.
"Ija!" sabay na bati nila kay Lianne.
Nag kwentuhan sila tungkol sa Pageant mamayang hapon.
Umakyat na ako sa taas pagkatapos magpaalam dahil wala naman akong gagawin doon.
Lianne's POV
"How's your work?" tanong ni Dad.
"Good. Doon po ako nanggaling ngayong umaga." tipid na sabi ko.
"The new members, were there?" si mommy.
"Yes, mom. Actually, the three of them were my bestfriends and the other two were kuya's bestfriends too." nahihiyang sabi ko.
"Oh? Is that so?" manghang sabi ni mommy.
"Yes, mom. I already discussed to them what you really want to do with the Master Princess," sabi ko pa.
"Okay then, you may rest, be ready for your Pageant later." sabi ni daddy.
Nagpaalam na ako na aakyat at umakyat na nga ako. Whooo!
Ken's POV
"You don't know what you've done mom!" galit na sabi ko sa kanya.
Nandito kami sa living room at nagtatalo.
"I know what I've done, uuwi at matututo rin ang batang 'yan." chill na sabi niya at humigop pa sa kape.
"Hindi siya pumasok kahapon! We're all worried to death! Kilala niyo siya! Hindi siya marunong lumaban kung apihin siya! Baka naman mamaya mabalitaan natin pata--"
"Just trust us Ken." sabi ni daddy.
What the hell!
Pag akyat ko sa kwarto ay tinawagan ko agad si Harry.
YOU ARE READING
The Masters Love
Teen FictionKate Azalea, 17 taong gulang. Lumaki kasama ang pamilya. Pero wala man lang buo'ng pagmamahal na natanggap mula sa pamilya. A girl whose very mysterious will rise. She will taught herself how to fight even if blood floods. Kayanin kaya niya? Kayani...