Kate's POV
Morning Friday.
Alas singko ng umaga nang magising ako, hindi maganda ang mood ko, nawala ang excitement ko na makipag-usap sa mga bagong kaibigan dahil wala nga ako sa mood.
"Tsk." umirap naman ako sa babae'ng nakasalubong ko dito sa coffee shop, nagmamadali?
"One espresso and blueberry cheesecake, please." order ko.
Pagkatapos mabayaran ay umupo na ako at naghintay na lang sa pagkain. Tumingin ako sa labas at medyo madilim pa, nakauniform na ako at nandito na rin ang mga gamit ko.
"One espresso and blueberry cheesecake, Good morning Ms. Kate, Have a nice day!" tipid na nginitian ko ang crew saka humigop sa mainit na kape.
Inilabas ko naman ang aking Macbook, saka ako doon nagtrabaho. Nagtrabaho, dahil nag invest ako dito sa coffee shop na paborito ko.
*KRINGG* *KRINGG*
Si Natalie.
"Oh?"
"Kate, I heard Carmela's parents wants to expelled you,"
"I'm busy Natalie, magkita na lang tayo sa school." sabi ko at ibinaba na ang tawag.
Expelled niya mukha niya. Baka palunok ko sa kanya 'yung baseball bat na ipinalo niya eh.
"Hi, Ms. Kate!" bati sa akin ng ilang students sa SDS.
"Hi"
Six in the morning I left that coffee shop, and went to school. Naging mabilis ako at nagawa ng thirty minutes ang byahe.
Wala pa gaanong tao dahil friday nga ngayon. Baka madaming umabsent, tamad mga tao dito.
Pumunta ako sa entrance gate ng school at naglagay doon ng hidden camera. Naglagay din ako sa canteen, garden, gymn, field, cr, hallways, at kada classroom ay naglagay din.
Mag seven thirty na ng matapos ako at dumadating na ang mga tao. Mabilis naman akong pumunta sa rooftop at doon inilabas ang MacBook, at tinignan kung kita ang lahat sa hidden camera na inilagay ko.
Swerte ni Carmela at bago lang 'to at hindi nakuhaan ang pagpalo niya kay Lianne, kung hindi ay itong MacBook mismo ang ihahampas ko sa pagmumukha niya.
"Kate!" naisara ko naman ang MacBook ko ng makita si Kiko na hingal na hingal.
"Bakit?"
"Nandyan na ang parents ni Carmela, hinahanap ka."
"Ge"
Nagtaka siya sa inasal ko na parang pinatawag lang ako ng teacher. Hindi na siya nagsalita at bumaba na lang kami. Marami nang cheese sa daan at nahirapan kaming makasingit doon papunta sa Dean's Office.
Mga cheesemosa't cheesemoso!
Pagpasok ko sa office ay pumasok pa ulit kami sa isang room na mas malaki na mukhang dito nagmemeeting ang matataas na tao. Mayroong long table, nasa gitna si Dean, sa kaliwa niya ay sina Carmela, parents niya siguro, Ella at mga alipores ni Carmela.
"Oh Good morning Ms. Mariano. Mr. and Mrs. Lopez wants to talk to you." mahinahong sabi ni Dean.
"Morning pipz" bati ko sa kanila at umupo sa kanan ni Dean at katapat ko si Carmela na short hair.
Bigla namang may pumasok at napatingin kami doon, si Chase, Parents niya, Kiko, at Bea, ang seryoso nila lahat samantalang ako ay mapang asar na nakangiti dahil hindi ko maiwasang mapangiti sa ayos ni Carmela.
YOU ARE READING
The Masters Love
Teen FictionKate Azalea, 17 taong gulang. Lumaki kasama ang pamilya. Pero wala man lang buo'ng pagmamahal na natanggap mula sa pamilya. A girl whose very mysterious will rise. She will taught herself how to fight even if blood floods. Kayanin kaya niya? Kayani...