Chapter 31

124 0 0
                                    

Chase's POV

"Bakit naman ganon? Sila na ang mali, siya pa ang magagalit. Utak talangka ang mga bwiset."

Nakapagtataka man tinanggap ko na lang. Hindi nagalit at nagsisigaw ang kapatid ko sa ibinalita ko sa nangyari kaninang break time. Bakas parin naman ang inis niya pero hindi matinding galit. Mabuti at nacontrol ang sarili.

Sabagay, hindi ko rin naman siya papayagan na sigaw sigawan ako, talagang malilintikan siya sa akin pag nagkataon!

"Hayaan mo na. Magpahinga kana dyan."

"Ikaw kuya ha! Nahawa kana kay Kiko! Chinismis mo pa sa akin 'yan, pwede namang mamaya na lang. Kamusta naman sila Lira?"

"Ayos na ayos sila. Sa atin na sila sasabay tuwing break time. Sige na, kakain na kami. Kumain kana din. Bye."

Ibinaba ko na ang tawag saka sumunod kila Eion sa canteen. Lunch time na din kase.

Naglakad ako papunta sa kanila, habang naglalakad ay nagtitinginan sa akin ang mga estudyante.

Sino ba namang hindi mapapatingin sa gwapo?

"Tagal mo!" sigaw ni Allen. Medyo hindi ko pa maintindihan ng maayos dahil nagkakagulo na sa pila.

"Ano?! Minumura mo ba ko?!" asik ko pagkalapit sakanya.

"Sabi ko ang tagal mo! Bobo'ng 'to!"

"Ano!" sigaw ko at inambahan siya ng suntok. Inawat na rin naman kami ni Eion. Si Allen naman dinilaan lang akong parang bata.

"San ka ba galing?" tanong ni Erin.

"Kinwento ko lang 'yung nangyari kanina." napatingin si Ella sa akin at nag peace sign ako.

"Dapat hindi mo na ikinwento, baka mag-alala pa 'yun, makasama sa kanya." sabi ni Ella.

"Okay lang 'yun" sabi ko na lang. Saka kami sabay sabay na kumain. Naiisip ko pa lang na magkakasama kami kumain pati mga pinsan ni Kate ay magkakanda gera gera na sa dami namin. Dito pa lang sa mga ugok na'to masyado ng maingay!

"Nakabusangot ka na naman dyan Chase!" si Allen.

"Ingay mo" sabi ko at kumain na lang.

"May mens ka 'no?"

"Mens? Ulul!"

Mabilis lang lumipas ang mga oras at uwian na. Hindi ko naman alam kung saan ako pupunta dahil may sari-sariling lakad ang mga kasama ko. Naisip ko na maraming pinapagawang paperworks dahil mag-prom na sa friday. Saan naman kaya ang gala ng mga kasama ko?

"Saan kayo?" tanong ko. Naglalakad kaming lahat papunta sa parking lot.

"Family Dinner later."

"My cousins are on our house."

"Mag grocery kami mamaya. Hindi pwedeng wala ako."

"Kami din"

"Gawa ako homeworks."

"Matutulog lang ako"

"Mag be-bake naman ako"

"Oo na! Ang dami niyong dahilan!" singhal ko pa at nagtawanan naman sila.

"Sige bukas na lang ulit"

"Bye guys!"

"Bye!"

Ang daming sinabi! Hindi pa sinabing 'ayaw ka namin kasama Chase, umuwi kana'. O kaya naman, 'hindi porke gwapo ka sasama na kami sa kung anong alok mo'.

The Masters LoveWhere stories live. Discover now