Chapter 22

162 0 0
                                    

Ken's POV

"Sino naman kaya iyong humarang sa kanila?" tanong ni Ate Cindy.

Nandito kaming lahat sa bahay ngayon dahil nagyaya na naman mag-inom itong si Harry. Feeling broken hearted wala namang girlfriend.

"Si Beatrice daw ang kailangan eh." sagot ko.

"Dalhin niyo na sa rooftop 'yan."sabi ni Natalie. Tukoy nya sa mga bote ng alak at mga pulutan namin.

"Hoy kaunti lang ang iinumin mo ha."duro pa ni Charles sa kapatid habang paakyat kami.

"Natalie" saway din ni Ate Cindy sa kanya dahil nagmemake face sa kapatid.

Nang makaupo kami ay nagkanya kanya ng bukas ng bote at pausukan ng vape. Ang mga babae naman ay hindi namin pinapayagan mag vape, pero minsan ay nakikitikim lamang.

"Hoy Natalie, ayusin mo 'yang ugali mo ha, lagi mo na lang ginaganyan ang mga kuya mo." saway ko rin sa kanya.

"Sorry na,"nakangusong sabi niya pa.

Nagpatugtog kami ng mga chill songs at sakatinanaw ang kagandahan ng batangas.

"Kamusta na kaya si Kate?" biglang sabi ni Elizabeth.

"Hindi siya pababayaan ni Miss Lianne," sagot ni Nicholas.

"Bakit anong nalalaman mo?"tanong ko naman sa kanya. Humigop muna siya sa vape at nagbuga saka sumagot sa akin.

"Wala naman, naririnig ko lang na kapag nakikipag-away si Chase, ang dahilan ay si Kate, kaya naman si Miss Lianne ay laging sinasabing gumagawa siya ng paraan para mahanap si Kate." paliwanag niya.

"Sana nga ay hindi niya pinapabayaan ang kapatid ko." sabi ko pa at saka lumagok na lang ulit sa bote.

"Mauna na ako, maaga ang klase ko bukas." paalam ni Ate Cindy.

"Kawawa naman, shot ka pa" aya ni Caleb. Nagtawanan kami dahil parang inaasar niya si Ate na hindi na makakainom.

"Che, Nicholas, matulog kana rin maya maya ha, bantayan niyo mga kapatid niyo." sabi niya pa.

"Paano?" madramang sabi ko.

Lumapit si Ate Cindy sa akin at ginulo ang buhok.

"Babalik din 'yon" sabi niya, saglit pa siyang nagpaalam at bumaba na.

Gusto 'kong hanapin si Kate pero malaki ang tiwala ko kay Miss Lianne dahil matagal na kaming magkakakilala. Pero syempre hindi pa rin maaalis sa akin ang pag-aalala. Ntatawagan ko nga siya pero hindi ko alam kung nasa magandang kalagayan nga ba talaga siya. Knowing her, magaling magtago ng nararamdaman.

Kinabukasan>>>

"Canteen tayo." aya sa akin ni Charles. Pareho kaming wala ng klase kahit tanghali pa lang, may hang over din kami kaya sumama na rin ako sa canteen.

Pero bago pa makarating sa canteen ay may nagsisigawan na naman. Hindi ko alam kung bakit hindi nakakarating sa Dean 'to. Kung hindi nakakarating paniguradong si Lianne ang nahadlang noon, at si Chase na naman nga ang nakikipag-away.

"Lianne ano ba!" sigaw ni Kiko.

"What?" bored na tanong ni Lianne na ang isang kamay ay nasa bulsa pa at chill lang talaga.

"Pababayaan mo na namn ba siya?" tanong ni Allen.

"Oo." sagot ni Lianne.

Paalis na si Lianne pero nakita niya kami. Agad naman kaming nag bow ni Charles sa kanya.

"Huwag niyo tutulungan." sabi niya sa amin.

"Yes, Miss Lianne." sang-ayon namin sa kanya, taka naman na napatingin sa amin ang mga kaibigan niya.

The Masters LoveWhere stories live. Discover now