Chapter 1

2.1K 89 28
                                    

Chapter 1

Naglalakad ako ngayon patungong palengke bitbit ang isang bilao na may lamang paninda na biko, suman at ube halaya. Naging kagawian ko na ito simula bata pa ako. Dito narin ako nag-karoon ng matatawag ko na kaibigan at pamilya. Magkakalahating oras na ako naglalakad patungong palengke pero ni isang tao wala pang bumibili.

"Ubeeeeee, bikooooooo, sumaaann" sigaw ko para mas dumami pa ang costumer ko.

Napahinto ako ng may lumapit saking ale, base sa mukha nito matanda na ito at mukhang mahirap din gaya ko.

"Ining, pabakae "Pabili

"Alin Imo nay? Biko, suman or ube?"Ano sa iyo nay?

"Permi ta ikaw nakikita eya ining uwa ka eun gatuon hy? Ube akon ining" lagi kita ng nakikita dito Hindi ka na nag aaral ining? Ube saKin ining"

Ngumiti nalang ako kay nanay at saka umiling! Mahigit isang oras na akong naglalakad bago nakarating sa palengke nilapag ko ang paninda sa pwesto ko at nagsimula narin lumapit ang mga suki ko.

"Ining, ang sarap mo naman gumawa ng suman" nakangiting humarap si aleng Margo sakin.

"Symere naman aleng Margo 'yan nalang yung tanging meron ako. Talent." pagmamalaki ko habang tumatawa.

"Abay kong mag aaral ka ng culinary may mararating ka."

Tipid akong ngumiti sa kanya. Gustuhin ko man mag-aral pero masyado yatang mailap sa akin ang magandang tadhana. Kung susubukan kong kausapin si nanay sa bagay na 'yan alam kong singhal lang ang matatanggap ko.

"Alam nyo naman pong grade six lang natapos ko."

"Wala ka bang balak na bumalik sa pag aaral mo? Abay sayang naman matalino kang bata." sabi nito habang sinasalansan din ang paninda n'yang gulay.

"Hindi yan matalino aleng Margo Hindi nga niya alam ang salitang crush." tumatawang lumapit si Jexter sakin. Tila nasa mood na namang asarin ako.

"Eh bakit naman?" Takang tanong ni aleng Margo.

"Eh kasi hindi marunong mag-crushback" inis Kong sinuntok ang balikat nito at tumalikod.

"Ibinta mo yan, 'pag wala kang naibinta hindi kita babayaran."nakanguso akong tumalikod sa kanya.

"Aba, ikaw na nga nangutang ikaw pa yung malakas ang loob na magbanta sa akin. Kakaiba ka talaga siah. Nakakatampo ka." sabi nito habang nilalaro ang ballpen sa kamay n'ya.

Inis ko syang hinarap."Nagrerekkramo ka? Wag mong kakalimutan kung hindi ka pumunta rito hindi magiging ganito ang mood ko." sigaw ko sa kanya.

"Eh kas-"

"Wag kang magsasalita" singhal ko ulit sa kanya

"Ano ba-"

"Sabi ng wag magsasalita eh" sinuntok ko ulit ito sa balikat.

Nakasimangot akong tumalikod sa kanya habang nagbibilang ng perang naibinta ko na. Hindi na siya nag sasalita pero alam kong nagpipigil parin itong tumawa. Sumunod ito sa gusto ko at sya na ang pumalit sakin , ganito kami lagi nag aaway pagkatapus sya na ang magbibinta!

Buti nga sa kanya ang ingay eh!

Nasa malalim akong pag iisip ng may magsalita sa likod ko pero Hindi ko nalang ito pinansin.

Memory Lost In Costa Leona ( Aklan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon