Chapter 14

831 51 3
                                    

Chapter 14

Nagising ako dahil sa pagring ng alarm sa kwarto ko! Hindi ako pwede matulog kasi may trabahong naghihintay sa akin. Kaya kahit hindi pa gaanong gumagaling ang mga pasa sa katawan ko bumangon na ako para maligo.

5:00 AM na pala kailangan ko na mag umpisa ng trabaho katulad ng hiling ko kay Tita Mona . narinig kong may kumatok sa pinto at bumukas ito at iniluwa si Ate Melda may dala itong uniform na pang-maid but hindi sila magkakulay katulad ng maid rito sa bahay!  Nag insist narin kasi ako kay Tita Mona na kung pwede ba akong magsuot ng uniform tulad ng mga maid sa bahay. Noong una kontra siya pero dahil ngumiti ako sa kanya ng malapad agad rin siyang pumayag.

"Ate Melda bakit kulay pink to?" Tanong ko sa kanya! Blue kasi ang uniform ng mga maid rito kaya nagtataka ako. Saka iba rin ang design ng Uniform. Parang wala itong pinagka iba sa casual na damit.

" Si Ryle nagbigay sakin nyan Siah. Ang cute mo daw kasi kapag pink na suot."

Agad kong naramdaman ang pamumula ng mukha ko sa sinabi niya. "Masyado naman pong girly." I pouted.

Tumawa nalang si Ate Melda sa akin."Bakit babae ka naman talaga ah?"

Sumimangot nalang ako sa kanya. Simula bata pa kasi kami ayaw ko talaga ng pink na kulay bukod sa ayaw ko dahil pambabae basta ayaw ko talaga pero kung sabi ni Ryle na cute to sa akin hindi ako magdadalawang isip na isuot to araw-araw.

"Hindi po. Simula bata pa po kasi ako ayaw ko talaga ng pink na kulay."

"Bakit naman? Ang ganda tingnan sayo maputi ka kasi. Naalala ko tuloy sayo yung alaga ko na kapatid ni Ryle. Ayaw na ayaw niya rin kasi ng pink na kulay kaya tuwang tuwa si Ryle na inaasar ito baka lalaki daw ang kapatid niya kapag maging Teen na."

Bigla kong naalala na hanggang ngayon hinahanap parin pala ni Ryle ang kapatid niya. "Wala parin po bang balita sa kapatid niya?" nagtaka itong tumingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata niya kung bakit may alam ako sa kapatid ni Ryle. "Sinabi po sa akin ni Ryle, Ate."

Tumango ito sa akin bilang sang-ayon. "Wala pa, iha. Minsan nga nag-aaway na ang mag-ama sa kagustuhan kasi na mahanap ni Ryle ang kapatid niya ay pati pag-aaral nito ay napabayaan na niya maging ang kompanya na imbis siya ang ang namamahala napunta ito kay Jl."

"Ganun po ba. Nakikita ko kung gaano kamahal ni Ryle ang kapatid niya. Ang swerte naman po ni Rylish. Sana po mahanap na nila." malungkot akong tumingin sa labas ng bahay. Madilim parin kasi pero unti-unti ng nagpapakita ang haring araw. "Ang sarap siguro niyang maging kuya." malalim akong napabuntong hininga pero natigilan ako sa tanong ni Ate.

"Ikaw, Siah. Nasaan ba ang pamilya mo?"

Tanong nito sa akin pero nasa labas parin ang tingin ko. "Sino po sa pamilya ko? Yung nanakit po o yung pamilyang naiwala ako?" malungkot akong ngumiti sa kanya. "Gusto ko rin mahahanap ang totoo kong pamilya, Ate Melda pero pero hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. Kahit anong paliwanag ang ibibigay nila ako sa akin tatanggapin ko po. Baka aksidente lang nila ako naiwala o baka hinayaan nila ako. Okay lang. . ."pinunasan ko ang luhang pumatak sa mga mata ko. Ang aga-aga nagiging madrama ako.

"Basta. .  . Magpaliwanag lang sila sa akin."

Iniwan ko si Ate Melda sa kwarto para makapagbihis na ako. Natulala kasi ito sa kadramahan ko kay aga-aga. Wala itong naging tugon sa akin tila ang lalim ng iniisip.

Pagkalabas ko wala na si Ate Melda kaya dumiretso na ako sa kusina ito muna daw gagawin namin kasi before may 6:30 sabay-sabay na daw kakain! Nakakailang naman kapag kasama sila! Di' ba pwede na huli nalang kami? Ganun kasi nakikita ko sa mga T.V nila Jexter. Kamusta na kaya si Jexter? Alam kaya niya na wala na ako sa bahay? Alam kaya niya ang nangyari sa akin? Hindi naman yata imposible kasi sa panahon ngayon may pakpak na ang balita.

Memory Lost In Costa Leona ( Aklan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon