Chapter 5

1K 77 6
                                    

Chapter 5

Malapit na ako sa bahay ng makita ko si Karol na naglalaro sa labas at si Jomark na may inuukit sa puno ng mangga. Nilapitan ko ito at halata sa mukha niya ang gulat.

"Oh, bakit nagulat ka?" tanong ko rito!

"W-wala ate." tiningnan ko ang inuukit niya sa puno kaya natawa ako bigla dahil Heart shape iyon na may nakalagay na pangalan sa gitna! J22

Maganda ang pagkakaukit niya. Hindi ko alam na may talento pala siya pagguhit at at pag-ukit.

"Sino yan Jomark? umamin ka nga sa akin my Jowa ka na ba?" Pang aasar ko rito na dahilan para mamula sya!

"W-wala" tanggi nito! "Wag kang magtago sakin dahil kilala na kita boy"

"Wag mong sasabihin Kay Nanay ate, huh,
baka patigilin ako noon.'"

Tumawa nalang ako."Sinong babae ang iniibig mo aking kapatid?" Pang aasar ko sa muli kanya! Napakamot nalang ito ng ulo na parang nahihiya pang sabihin sa akin.

"Yung dati kong binu-bully." umupo ito sa upuan kaharap ko.

"Maganda?"

"Oo"

"Kaya mo binu-bully?"

"Maganda sya noong nainlove na ako pero pangit sya na noong hindi pa ako naiinlove."

Natatawa nalang akong pag tumaas ang kilay nito habang nakwekwento! Pangit huh?

"Ate?"

"Hmmm"

"Ano feeling ma-inlove?"

"Sigurado ka ba ? Ako talaga tinanong mo? Nakita mo ba ako na magkaroon ng boyfriend, Boy?"

"Hindi ka magkakaroon ng boyfriend" sabi nito ng may pilyang ngiti sa mga labi.

"At bakit?" Pinagcross ko ang braso at pasimpleng inirapan sya. "Dahil takot sayo ang mga lalaki?"

Sakalin ko kaya to?! Hmp!
"Gusto mo isumbong kita kay nanay?"

Umasim ang mukha nito ng marinig si nanay!

"Ate, maiba ako! Paano kung Hindi ka talaga anak ni nanay ano gagawin mo?" Tanong nito na ikinagulat ko

"Bakit mo naman natanong?"

"Wala ate nagtatanong lang kasi."

"Baliw ka ba? Natural Alam ko na nagtatanong ka."

"Sagutin mo nalang kasi."

"Well, syemre magugulat ako pero kung sakali man na hindi ako tunay na anak nila Nanay at Tatay syempre tatanggapin ko yun at ituturing ko parin kayong mga kapatid ko... pero ang pinagkaiba hahanapin ko ang taong kadugo ko dahil sila ang pamilya ko." sagot ko rito! Nakitaan ko ng lungkot ang mga mata ni jomark ng sambitin ko 'yon! Siya itong nagtanong sa akin tapos makukungkot siya? "Pero sa totoo lang talaga minsan ko na rin naisip na baka ampon lang ako ni nanay at ni tatay." Nakatitig lang ito sa akin na hindi kumukurap. Bigla kong pinitik ang noo niya dahilan para matauhan ito.

"Hindi ko kayo iiwan boy mahal na mahal ko kayo ni Karol." ngumiti ako rito para maiwasan ang pagkalungkot niya ngunit tila may gusto itong sabihin sa akin. Nagdadalawang isip itong tumingin sa akin.

"Kasi may. . . Ano. . ." Kagat labi itong tumingin sa akin ng deritso. Malalim itong bumuntong hininga saka muling nagsalita "Alam mo ate believe talaga ako sayo!"

"At bakit?"

"Paano mo natatago? Ang tapang mo ate paano nakikipag away ka sa mga lalaki pero pagdating sa bahay hindi ka manlang lumalaban kila nanay."

Memory Lost In Costa Leona ( Aklan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon