Chapter 8

868 60 3
                                    

Chapter 8

Naiwan akong tulala sa Tree House. Kaaalis lang ni Jm at Jl! Simula ng mangyari ang eksena kanina hindi ko na sya pinansin dahil kahit ako nagtataka sa inaasta nya.

Pumasok na ako sa loob ng naisipan ko ng magsulat ulit.

Day 10

Hi Blue shoes guy! Hindi ko alam Kong ano mararamdaman ngayong araw nagtataka ako at hindi ko talaga alam Kong ano rin ang nararamdaman ko.


Ano gagawin ko? Pagnakikita ko sya biglang bumibilis ang tibok ng puso ko hindi ko na maintindihan hindi na yata normal to! Sa tingin mo kailangan ko ng magpacheck up!

Oh,sege  na! kailangan ko ng imuwi! Mag iingat ka lagi!

     Ms. Kakanin
Truly yours

Mabilis akong naglakad papasok ng bahay! Wala ngayon si Tatay kaya panatag ang loob ko gabi lang ito umuuwi pag minsan ganon din si nanay! Natatakot ako umuwi pero hindi ko pwede pabayaan ang nga kapatid ko. Pumasok ako loob ng bahay at nakita ko si Karol na imiiyak nilapitan ko ito hinaplos ang ulo nya.

"Bakit ka umiiyak Karol?" tanong ko rito! Tumingala ito at ng makita ako bigla nya akong niyakap .

"Ate gutom na ako! Hindi parin umuuwi si Kuya Jomark wala namang paki-alam si ate anes sa akin" umiiyak parin itong kumawala sa mga yakap ko. hindi ko maiwasan maawa sa sitwasyon ng nakababata kong kapatid. Dahil sa takot ko na baka pagsamantalahan ako ni tatay hindi ko naisip na may kapatid pa pala akong babae na nakasandal sa akin.

Agad kong hinalikan ang noo nito bago pinunasan ang bagong patak ng luha sa kanyang mga mata.

"Saan si Jomark, baby? Ito o may pagkain akong dala." binuhat ko ito at nilapag sya upuan.

"Umalis po si Kuya kagabi ate nag away po sila ni Tatay." gulat akong napatingin sa kanya.

"N-nag away? Bakit?" Nilagyan ko sya ng pagkain sa pinggan at sinubuan ito.

"H-hindi ko po alam ate... n-ng umalis ka doon po sila nag away." nagsimula na namang umalog ang kanyang balikat senyalis na muling tutulo ang kanyang luha. Sa murang edad nito hindi dapat ganito ang nararanasan niya.

Hinaplos ko ang pingsi niya  para patahanin ito! "Hayaan mo baby hahanapin ko si Kuya huwag ka ng umiyak"

Nag-alala akong tumingin sa labas! Kung umalis si Jomark kagabi saan to natulog? Naku! Pipiktusan ko talaga pagnakita ko yon!

Pagkatapos kumain ni Karol ibinilin ko muna ito kay Aleng Margo at umalis ako ng bahay bandang alas onse ng umaga.
Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa at kung saan ko sya hahanapin.

Pumunta ako ng Aguean falls para hanapin sya pero wala kaya napagdesisyonan ko nalang na bumalik. Tatanongin ko nalang si Jexter baka nakita nya. Papalapit na ako ng bahay ng makita ko si jexter na nakaupo sa balkonahe nila lumapit ako rito.

Memory Lost In Costa Leona ( Aklan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon