Chapter 9
"Ayan na. Paparating na ang monster." malakas na sigaw ni Karol habang papalapit ako sa kanya. Nagmukha akong ewan habang kunyaring bali-bali ang katawan. Ginagaya ko kasi yung lalaking nakita namin kanina nabinibiro rin ang kapatid.
"Heres come the monster. Kakainin na si Karol." pagbibiro ko sa kapagod kung tagong tago sa maliit na bato kahit kitang kita naman ang kabuoan ng katawan niya.
Dinig na dinig ko ang malulutong niyang tawa kasabay ang maingay na talon sa harap namin. Hindi ko maiwasan mangiti sapagkat sa maliit na bagay napapasa ko na ang kapatid ko. Naging marahas ang buhay sa kanya kaya kahit papaano gusto kong punan ang araw kung saan kami malaya. Walang inang sumisigaw sa inis, walang amang mananakit sa amin. Pakiramdam ko kasi na ito na yata ang huling araw na masisilayan ko ang mga ngiti nila. Tipid na ngiti ni Jomark at ang malapad na ngiti nang nakababata kong kapatid.
Nagising na lang kasi ako kaninang umaga na ang bigat bigat ng pakiramdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang kaba ko. Ganun na lang ang lagkabalisa ko. Dahil na naman siguro sa gabi gabi kong panaghinip sa pamilyang hindi ko naman kilala.
Napsigaw si Karol sa gulat ng bigla kong yakapin ito sa likod. Bigla akong napahinto sa pag aakalang umiyak ito dahil sa pagyugyog na kayang balikat ngunit napawi ang kaba ko ng marinig ang malutong niyang tawa.
"Akala mo Ate umiiyak na ako 'no?" sinabi nito ng humiwalay na sa yakap ko. "Nakakapagod rin kasing umiyak, Ate. Masaya maging masaya." ngumiti ito sa akin. "Nasaan na ba si, Kuya Jomark?" tila naiinip nitong tanong sa akin.
Inutusan ko kasi na bumili ng pagkain si Jomark para may makain naman kami dito sa falls at isang oras na ang nakalipas simula ng umalis siya ngunit hindi parin ito bumabalik. Hindi pa kami naliligo kasi gusto ni Karol na sabay na kami maligo. Itinuro ko ang bato malayo sa talon na doon muna siya umupo. Natatakot na baka mahulog siya sapagkat hindi pa naman ako marunong lumangoy. Baka mahulog!
Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko ng makrinig ako ng kaluskos. May taong parating hindi na ako nagulat sapagkat naging attraction narin ito sa mga kabataan na taga rito. Sa pag aakalang ibang tao ay tumalikod na ako ngunit bigla dumagundong ang kaba sa dibdib ko ng makitang wala si Karol s kinauupuan niya kanina. Nanginginig man ang tuhod ko pero pinilit kong binakbang ito nababakasakali na nasa taas si Karol naliligo ngunit wala akong Karol na nadatnan. Kung anong ano na ang nasa isip ko na kung baka nalunod na ito o kaya naglakad lakad sa loob ng kagubatan. Sa laki ng Aguean imposibleng mahanap ko siya bago balutin ng kadiliman ang kalangitan. Nag-uumpisang mamasa ang mata ko at nagmamadaling bumaba ng makita ko si Jexter at Jomark na magkasama mas lalo akong naluha.
Nagtataka ang mga ito na tumingin sa akin. Kahit hindi pa kami okay ni Jexter ay hindi ko pinansin dahip mas mahalaga sa akin ang kaligtasan ng kapatid ko.
"Anong nangyari?" natarantang tanong sa akin ni Jomark nang mapansin nito na walang Karol siyang nakita. Halata narin ss mukha ni Jexter ang pag-aalala.
"Pumunta lang naman ako don." turo ko sa malaking bato na inapakan ko. Hindi naman malayo ang distandya namin ni Karol. "Pero pagbalik ko wala na siya." nag uunahang tumulo ang luha ko sa pisngi ng maramdaman ko ang mainit na yakap mula sa gilid. Tumingala ako at nakita ko si Jexter na niyakap ako ng mahigpit.
"Hahanapin natin siya, Okay?" agad akong tumango ako sa kanya.
Agad naming sinuyod ang buong gubat ngunit walang bakas ni Karol kaming nakita. Nanghihina parin ako ss kaba na baka kung ano nangyari sa kapatid ko. Malapit ng sakupin ng dilim ang kalangitan.
"Karol." sigaw ni Jexter na umalingawngaw sa loob ng gubat. "Karol, Nasaan ka?"
Hinawi ko ang mga baging na humaharang sa mga malalaking puno na dinadaanan namin. Napatingin ako sa dalawa na busy rin sa kakatangin kung saan. Sumagi sa isip ko na matatagalan ang paghahanap namin kung hindi kami maghihiwalay kaya buong loob akong pumasok sa baging na humihiwalay sa ilog at lupa mukhang hindi iyon napansin ni Jexter at Jomark. Dahan dahan akong naglakad kahit natatakot sa posible kong makita nilakasan ko ang loob ko sa ngalang mahanap ko ang kapatid ko ng maaga.
BINABASA MO ANG
Memory Lost In Costa Leona ( Aklan Series #1)
Romance"Stories may well be lies, but they are good lies that say true things, and which can sometimes pay the rent."